Isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang naganap sa sa kanilang tahanan na nagdulot ng pag-aalala sa mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Edarna.
“So guys, something really funky happened here in our house…look at the glass,” sabi ni Ellen Adarna habang ipinakikita ang nabasag na malapad na glass wall panel sa kwarto raw ng kanilang mga magulang.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Derek na nagulat sila sa malakas na tunog na tila may sumabog kaya napatakbo sila pababa at tumambad nga sa kanila ang nabasag na salamin.
“The glass just exploded. So we don’t really know if it was not installed properly or just poor glass quality,” post ng aktor sa IG stories.
Humingi pa siya ng opinyon sa mga glass experts upang maliwanagan kung ano ang nangyari.
“Any glass experts out there who can explain or help us out and give us an explanation why or how this happened. Thank you,” aniya.
Pinadalhan din niya ng mensahe ang kumpanya na nag-install ng mga glass panels sa bahay nila upang hingan ng paliwanag at humiling na siyasatin ang pangyayari.
“@philconch999enterprisesco we just wanted an explanation and a thorough investigation because our home is all made of your products. This does not feel safe at all,” anang aktor.
Nangako naman daw ang kumpanya na papalitan ang nabasag na glass wall panel, pero hindi na raw iimbestigahan kaya napilitan si Derek na mag-hire ng ibang kumpanya na magsasagawa ng pagsisiyasat.

“Update guys. I hired another company to investigate what happened to our glass panel,” sabi ni Derek.
Nadiskubre ng nag-imbestiga na ang salamin ay nakapatong lang sa metal frame nang walang rubber o silicon. Muli raw siyang tumawag sa kumpanyang nag-install ng glass panel, subalit hindi na raw iyon sumasagot.
“Tried to get in contact with @PHILCONCH999ENTERPRISESCO but they won’t reply,” lahad ng aktor.
Minabuti ng mag-asawa na palitan na ang lahat ng glass panels sa kanilang bahay para sa ikapapayapa ng kanilang isipan.
