Asahan mo na ‘yan, pag si Heart Evanglista talaga ang nagsuot, bebenta talaga ito!
Kasunod ng kanyang pasabog na pagrampa sa Paris Fashion Week simula nitong nakaraang linggo, pinagkaguluhan naman ng kanyang mga masugid na followers ang suot niyang luxury eyewear.
Heart Evangelista is truly a style icon!

Ang YSL New Wave SL 276 na sunglasses ay mabilis umanong nabenta na parang ‘hot cakes’ sa maraming fashion stores pagkatapos itong isuot ni Heart sa Paris Fashion Week!
Sa Instagram, ilan sa kanyang mga followers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ginusto ring makabili ng nasabing sunglasses na may disenyong cat-eye frame na may nylon lens.

Tina-tag lang naman nila ang Kapuso Queen of Creative Collaborations sa kanilang pagbili at sinasabi nilang “Heart made me do it.” Tinawag pa nga itong “Heart Effect.”
May iba pa nga na hindi na makatiis at ‘di makapaghintay online kaya marami na ang sumugod at pumunta pa talaga sa store para makabili ng fashionistang sunglasses.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-repost si Heart ng mga post mula sa kanyang followers na bumili ng YSL shades.
Suot ang kanyang black and white customize na gawa ni Mark Bumgarner, agaw-pansin ang aktres sa Haute Couture Week 2022 nitong nakaraang linggo. Dagdag extra chic ang dating ng fashion queen sa kanyang pair of sunglasses na kalauna’y pinagkaguluhan ng online world.
Maraming followers ang nag-double tap heart sa IG posts ni Heart dahil sa kanyang magandang OOTD,

Ayon sa website ng YSL, ang pares ng sunglasses ay sold out as of writing. Ang isang pares ay nagkakahalaga lang naman ng humigit-kumulang $380 (P19,421).
Oh grabe! Parang ‘hotcake’ lang sa tindahan sa bilis maubos ngunit ang mahal pala nito!

Para sa mga nagtatanong kung saan sila makakakuha nito bukod sa mga outlets at sa kanilang website, binanggit ni Heart ang ilang mga tindahan na bukas para sa mga pre-order, kung sakali mang na-hook ka rin ng “Heart Effect“.
Isang brand na may username na @eurobrands4less ang nagbenta umano ng 36 piraso ng parehong luxury item at sa loob ng ilang sandali lamang ay na-sold out agad. “Iba ka talaga!” ibinahagi nito sa IG stories.

Dahil nag-trending at nagkakaubusan na ng sikat na eye wear, may mga followers naman ang hindi ito afford bilhin kaya ginawa na lamang itong katatawanan na nire-post naman ng aktres sa kanyang IG stories.

Kasalukuyang nasa City of Love ang GMA-7 star, at sa kanyang IG wallay ibinahagi niya na binisita siya ng isang kilalang French Fashion designer na si Christian Louboutin sa kanyang apartment.
