'Kilay filter' ni Princess Punzalan kinaaliwan ng netizens

Isa sa mga pinakamahuhusay at pinaka-remarkable na kontrabida sa Philippine television si Princess Punzalan. Sa dami ng ginampanan niyang role bilang isang antagonist na katatakutan mo talaga, matatawag nang isang icon sa Pinoy entertainment industry ang aktres, kaya naman marami ang natutuwa sa kanyang mga recent post kung saan tawa at tuwa na ang kanyang dinadala sa madla.

kilay princess

Screenshot mula sa Instagram video ni Princess Punzalan

Sa Instagram, ini-upload ni Princess ang isang video kung saan sinusubukan niya ang iba’t ibang klase ng kilay sa kanyang mukha sa pamamagitan ng isang eyebrow filter na nagpapakita ng nagpapalit-palit na mga pares ng kilay.

“Trying to see which type of brows fit my face. I think I like the last best. What do you think?” saad niya sa post.

Hindi naman nakagugulat na marami ang natuwa sa video na ito ni Princess dahil masasabing maging ang kanyang ayos ay nakapagdadagdag sa kanyang karakter at dating sa screen, kabilang na siyempre ang kanyang kilay na pangkontrabida. Nakatutuwa lamang daw na sa video na ito ay iba’t ibang facial expression ang ipinakita nito.

kilay princess

Screenshot mula sa Instagram video ni Princess Punzalan

Taliwas sa mga role niya sa palabas, patotoo umano ang mga kaibigan at katrabaho ni Princess kung gaano kabuti ito. Sa isang panayam, ibinahagi niya na kailanman ay hindi niya inilagay sa ulo ang mga tagumpay at papuring natatanggap. Ito raw ang turo ng kanyang ina.

“It’s all temporary. Just think that you’re just a worker, you’re just working. Just so happened that acting is your job and many people notice you, but just treat it as your job,” aniya.

Matatandaang matapos ang sunod-sunod na kontrabida roles ay bigla na lamang nawala sa limelight si Princess hanggang sa mapabalitang nasa ibang bansa na ito. Gayunman, paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin ito ng acting roles.

kilay princess

Post a Comment

Previous Post Next Post