Sa kanyang Instagram post, nagbahagi ng throwback pictures ang ina ni Xian Lim na si Mary Anne, na may kalakip na mahalagang aral kaugnay sa simpleng pamumuhay.
Sa throwback photo ng kanyang anak, mapapansing matangkad ito para sa walong taong gulang. Pagkatapos ay ibinahagi niya ang isang kuwentong puno ng aral tungkol sa height ng kanyang anak.
Makikita sa litrato na mas matangkad si Xian sa kanyang mga kaklase na halos hanggang balikat lang niya.

Naalala ng kanyang ina ang isang pangyayari kung saan ang pinagkaiba ng height ni Xian sa mga batang kaedad niya ay talagang nagbigay sa kanya ng mahalagang realisasyon tungkol sa buhay.
“When Xian was 8, I enrolled him in summer basketball. During competition, the coach approached me: “Ma’am some parents are complaining that Xian is too tall for his age group; their heads only reached Xian’s shoulder. His team always scored bec he didn’t have to jump to shoot. He only dunked. Most parents were ok. But the others? They said their sons who had ‘real’ potential were intimidated,” ani Mary Anne.

Bilang normal na reaksyon ng isang ina, tinanong niya ito kung bakit naging ganito na dapat ay alam nito ang mangyayari. Dito nakagawa ang coach ng magandang ideya para balansehin ang larangan ng paglalaro.
“I turned to the coach & said, “Why are you telling me all this? You shd have known this would happen when I enrolled Xian,” aniya.
“So the coach devised a ‘fun-only competition’ with Xian. Anyone absent would not be allowed to join the ‘for trophy’ competition. (where sadly Xian couldn’t join this anymore),” dagdag pa niya.

Makalipas ang ilang taon, nakipag-ugnayan muli siya sa mga magulang ng mga kalaro ni Xian kumg saan nagpaabot ng pagbati ang mga ito sa kanyang anak, na isa na ngayon sa mga pinakamatagumpay na aktor ng kanyang henerasyon.
“Yrs have passed & recently I received DM’s from the nice parents, giving Xian their best regards. I asked abt the boys with potential. They said no one made it to any league, bec the boys didn’t grow much,” aniya.
Sa kanyang huling mensahe sa IG ay nagbigay siya ng isang napakahalagang aral “We should let our children enjoy their games bec interaction at that age is more important than scoring, & more because this is where they first learn the value of unity & friendship.”