Dismayado ang ilang netizens kay Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez matapos nitong ihayag ang pagsuporta kay presidential aspirant Bongbong Marcos.
Sa panayam sa SMNI, pinuri kasi ng asawa ni Richard Gomez si BBM na tinawag pa niyang ‘most vilified’ umano sa lahat ng kandidato ngayon.
“On the matter of the presidency, it’s really an act of destiny. It’s one of those things that only God knows and only time will tell,” lahad ni Lucy.

Ayon pa sa kongresista, “And I would just like to say that if it’s in God’s plan for BBM to be our next president, may you be one of the best this country has ever had. I wish you well. I wish you every success.”
“And like I said in the past, Senator BBM, you being the most villified, perhaps, also because you are the most popular, for every curse a blessing,” dagdag pa nito.
Hindi naman naging maganda ang dating ng mga papuri ni Lucy kay BBM sa mga netizens na tutol sa pamilya Marcos.

“You support and endorse the family of the Greatest Robber of a Government. Your choice reflects your principle and character. A big letdown from my idol couple,” anang isang nagkomento sa Facebook page ng Leyte solon.
“Madam, Si Leni po ang villified. And for what, read about her background. She has always been a hardworking servant leader na nagsisilbi sa marginalized. Kay Junior ka pa naawa,” kontra naman ng isa.
Katwiran naman ng isa pa, Diyos lamang ang nakaalam kung sino ang mananalo sa eleksiyon. Dagdag pa nito, “Ambisyoso lang talaga siya kahit wla naman gaano accomplishments, yung tatay meron pero siya , mas madami pa mas qualified kesa sa kanya.”

Sa kabila nito, marami ring supporters ni Marcos ang pumuri sa naging pahayag ni Lucy.
Patunay daw ito na maganda na ay matalino pa ang misis ni Richard. Matapang din daw at ‘honest’ ang mga naging pahayag nito na pabor kay BBM.