Morissette Amon at Dave Lamar, ibinunyag na sila ay kasal na

Sa wakas ay inanunsyo na nina Morissette Amon at Dave Lamar ang kanilang pag-iisang dibdib matapos nila itong itago sa publiko sa nakalipas na ilang buwan.

Sinabi ni Morissette sa mga fans ang tungkol sa kanyang kasal sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang larawan  na kuha ng Nice Print Photography sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Enero 28. Ikinasal pala ang mag-asawang singer sa ‘The Old Grove Farmstead’ sa Batangas.

“We are so happy to finally officially announce that we are married! It was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we’re finally free! what a ride it’s been, [Dave Lamar]! To the stars and the moon, I love you my husband!” aniya.

“Thank you for being my True North through it all, holding my hand as we journey through this life together. And I can’t wait to keeping going Up and Away and experience it all with you!” dagdag pa niya.

Ipinasilip naman ng mag-asawa sa kanilang mga fans ang kanilang espesyal na araw sa pamamagitan ng kanilang “wedding film” sa YouTube channel ni Morissette. Itinampok sa video ang moments ng mag-asawa, pati na rin ang kanilang pagtatanghal ng isang kanta na kanilang isinulat.

Sa kabila ng pag-ulan sa araw ng kanilang kasal, naglakad si Morissette sa aisle na nakasuot ng puting off-shoulder na Michael Leyva na gown, habang si Dave naman ay nakasuot ng gray na suit, na gawa rin ni Leyva.

Sinabi ni Dave na ang alaala ng kanilang kasal “will forever be engraved in my heart.”

Sina Morissette at Dave ay nakatanggap ng pagbati mula sa mga celebrity friends na sina Gary Valenciano, TJ Monterde, Mark Bautista, at sa iba pa.

Inanunsyo ni Morissette ang kanyang engagement kay Dave noong Disyembre 21, 2020. Ang fiance ay tinukoy niya bilang kanyang unang pag-ibig at sagot sa kanyang panalangin.

“More than just an 11:11 wish, you’re an answered prayer. I love you @davejlamar, always have and always will,” aniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post