Bagong taon, Bagong bahay. Sa YouTube vlog 234 ni Toni Fowler, pagpasok ng bagong taon ay ipinasilip niya ang kanyang ‘Toro de Palacio’
Noong bata pa si Toni, ang buong pamilya niya umano ay nagsisiksikan na parang lumpia sa kanilang tahanan. Kapag umuulan daw ang nagsisilbi niyang swimming pool ay baha. Nang lumaki na si Toni, pinasok niya ang kung ano-anong trabaho, kabilang na ang pagiging dancer sa club kung saan kumikita lang ito ng P300 kada araw.
Inakala niya na mailap sa kanya ang suwerte pero nitong pagpasok lamang ng Bagong taon ay mayroon na siyang mala-palasyong mansyon o ang tinatawag niyang ‘Toro de Palacio’ na may matatayog pang colums, na parang mga gusali sa Greece. Marami ding netizens na nag-aakala na isa itong munisipyo dahil sa laki nito.

Talaga nga namang malaki na ang nabago sa buhay ni Toni Fowler mula sa pagiging mahirap nito noon.
Ang lahat ng makikita mo sa labas at loob nitong bagong bahay ng kontrobersyal na YouTuber at social media influencer ay katas umano ng kanyang pagyu-YouTube.
Akalain n’yo ‘di ba? sa YouTube lang, makakapagpatayo ka na ng sarili mong bahay.
Ang pagiging dancer dati sa club, kailanman ay hindi raw niya ikinahiya dahil ito ay para may maipakain siya sa kanyang anak.
Ayon sa panayam sa kaniya ng KMJS o Kapuso mo, Jessica Soho, sinabi niya na kada-taon ay lumilipat sila ng matitirhan; kung saan sila makakamura.
“Wala kaming sariling kwarto, para kaming mga lumpia, walang privacy. Yung likod namin tapunan ng basura,” aniya.

Taong 2019, pinasok niya ang pagba-vlog kung saan ang kauna-unahan niyang video ay ang tiktok compilation ng kanyang anak na si Tyronia Fowler.
Dahil prangka at aminadong jologs, huling huli niya ang kiliti ng masa kaya naman umabot na sa 6.5M ang kanyang subscribers sa YouTube. Kasabay naman nito ang pagdami ng kaniyang bashers.

Ayon kay Fowler “nung una natatakot ako pero nung tumatagal na at nabibigay ko yung pangangailangan ng anak ko, ano ba naman yung mag-sacrifice ako ng privacy, kung ikakaginhawa naman ng buhay ng anak ko at pamilya ko.”
Ipinasilip niya ang kanyang sala na aniya ay plano niyang gawing dance studio, at ang dining table kung saan kasyang-kasya ang buo niyang pamilya. Si Toni na nagsi-swimming noon sa baha ay mayroon na ngayong indoor pool.
“Naiiyak ako pag naiisip ko na ‘oh parang dati lang sa ganito lang kami nakatira’. Lahat naman to para sa pamilya ko din. Pasensya ka na, Lord, kinwestiyon ko, ibibigay mo rin pala. Kailangan lang palang mag-antay ka at mas lalo ko pang sipagan,” pagbabahagi niya sa panayam.
Paalala ni Toni sa lahat, “P’wede kang magpahinga pero ‘wag kang titigil, kasi ang totoong nagfi-fail, is ‘yung taong sumusuko. Kaya laban lang.”
Bumuhos ang mga papuri at paghanga sa kuwento ng buhay ni Toni: