Nitong Martes ay sinupalpal ng American singer-songwriter na si Taylor Swift ang Blur lead singer na si Damon Albarn matapos nitong magkomento sa isang panayam na hindi ang popular na celebrity ang nagsusulat ng mga awit nito.
“She doesn’t write her own songs,” sabat nito sa isang panayam ng Los Angeles Times, matapos sabihin ng pop music critic na si Mikael Wood na si Swift ay isang excellent songwriter.
Iginiit ni Swift na siya mismo ang nagsusulat ng kanyang mga sariling awitin. Ito’y matapos sagutin ni Albarn ang isang tanong tungkol sa pagsusulat ng kanta ng singer, sa isang panayam ng Los Angeles Times noong Linggo, Enero 23.
Sa isang tweet ay ipinahayag ng 32-anyos na celebrity ang dismaya sa tinuran ni Albarn.
“I was such a big fan of yours until I saw this. I write ALL of my own songs. Your hot take is completely false and SO damaging,” tweet ni Taylor kasabay ng pagpost ng tweet ng LA Times. “You don’t have to like my songs but it’s really fucked up to try and discredit my writing. WOW.”

May pahabol pa siya sa huli niyang tweet “[P.S.] I wrote this tweet all by myself in case you were wondering.”
Hindi rin nagtagal matapos ang reaction tweet ni Taylor ay mabilis naman na humingi ng paumanhin si Albarn sa singer.
Ayon kay Albarn, “I totally agree with you. I had a conversation about songwriting and sadly it was reduced to clickbait. I [apologize] unreservedly and unconditionally,” ani Damon. “The last thing I would want to do is discredit your songwriting. I hope you understand.”
Dinepensahan naman ng producer na si Jack Antonoff ang singer. Nagkasama sila sa mga album ni Swift na “Lover,” “Folklore,” at “Evermore.”
“I’ve never met damon albarn and he’s never been to my studio but apparently he knows more than the rest of us about all those songs taylor writes and brings in. herb,” saad sa Twitter post ng producer.

Ang iba pang mga collaborator ni Taylor na sina Aaron Dessner at Nathan Champman, ay dumepensa din sa naging pahayag ng Lead singer ng Blur.
Kasalukuyang nagte-trending ngayon si Swift sa Twitter na may halos 400K tweets.