Nagbihis ang aktres na si Anne Curtis bilang style icon na si Audrey Hepburn para markahan ang kanyang kaarawan.
Sa kanyang Instagram account, makikita ang black and white na larawan ng ngayon ay 37 taong gulang nang aktres habang nakamala-Hepburn na itsura. Kasama niya sa larawan ang anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.

“Waking up happy and very, very grateful. Today, is going to be a beautiful day!” nakasaad sa caption ni Anne sa kanyang post sa IG.
Sa isang panayam sa Tonight with Boy Abunda, ibinahagi ni Anne ang kanyang paghanga sa kanyang idolo, ang Oscar-winner na si Audrey Hepburn. Sa katunayan, may koleksyon ang aktres ng mga manika ni Hepburn. Mayroon din siyang bow na ginamit noon ng Hollywood aktres.
Samantala, ibinahagi ni Jasmine Curtis Smith ang kanyang sweet birthday message para sa kanyang nakatatandang kapatid sa pamamagitan din ng isang Instagram post.

“Happiest birthday to our family’s superwoman and GOAT, @annecurtissmith. You truly are the most admirable, chicest and loving sestra, daughter and maman. From wanting to get a copy of your iTunes playlist to asking for your K-drama recos, you are my icon in so many areas. May this year bring an abundance of peace, love and joy in your life, always,” ang sweet na mensahe ni Jasmin para sa kanyang ate.
“Looking forward to decades more of memories to make together. Thank you for making life worth living for so many of us! Keep dreaming and soaring, sestra. We will be here always cheering on!! I love you,” dagdag nito.
Sa comments section ng post ni Jasmin, nag-iwan ng mensahe si Anne, “I love you so so much sestra.”

Isa sa kanyang mga kaibigan rin na bumati ay si Luis Manzano, “Happy happy birthday to the Nipster! @annecurtissmith! Magkita na tayo ok?” nakasaad sa IG story ng aktor.
Sa kaarawan ng aktres ay marami ang bumati; hindi lamang ang kanyang mga followers kundi pati mga kaibigan nito at pati na rin ang showtime family.
“Madlang People, sabay-sabay nating batiin ang napakaganda at nag-iisang Dyosa! HAPPY BIRTHDAY, ANNE CURTIS! We miss and love you!” saad sa Twitter ng It’s Showtime.
Ang TWBA guesting: