Sa Facebook post ng isang netizen ay naghinanakit ito kaugnay sa kung bakit nga puwede ang mass gathering, tapos sila na ga-graduate ay hanggang FB live lang?
Nakalulungkot isipin, hindi ba? Dahil sa COVID-19, ang graduation ng ilang estudyante ay ginaganap na lamang sa pamamagitan ng Facebook live.
Ayon kay Gelo Qui na nag-post kalakip ang ilang litrato ng mass gathering at graduation ceremony, gusto din umano nila na maranasan ‘yung feeling na makapagsuot ng toga habang umaakyat sa stage para kunin ang kanilang diploma.
“Tapos kami sa Facebook live lang ga-graduate? Gusto din naming maranasan ung feeling na “Yes, Graduate na din ako!” aniya.

“Gusto naming magsuot ng toga at sabay yakap sa aming mga magulang at sabihing: Ma/Pa, salamat, graduate na anak nyo.”
Iba kasi sa pakiramdam ‘yung tipong nakasuot ka ng toga at mararamdaman mong hawak hawak mo ang iyong diploma kasama ng iyong mga kasabayang nagsipagtapos.
Maraming netizen naman ang nagkomento sa kanyang post.
“Unfair naman kasi samin especially na l am a graduate shs graduated last school Year tapos di man lang namin naranasan pumunta sa school na naka suot ng toga tapos wala pa graduation pictures, year book, tapos wala medal it’s so unfair talaga dito sa Pilipinas.”

“Ohhhh yeah! Nang dahil Dyan, Magsimula na Ang Face2Face classes. Be careful what you wish for. Bantay kapuyan bangon ha.”
“Having a Physical Graduation Ceremony is digressional. It is decided by your School in Accordance with IAT-F Regulation on COVID-19 Prevention. Kung wala kayong graduation, why not ask the school? Pwede pwede naman kayo mag request. Present your concern with your SSG President and let them talk with the school officials.”

Sabi naman ng isa na magpasalamat na lang dahil grumaduate at ‘di mahahawa ng virus kung sakali.
“Alam n’yo, mga pare at mare, mag isip po tayo ng mabuti. Alam mo yong mga dumalo sa rally at their own risk nila ‘yon walang masisisi kung magkacovid sila, sinu sisihin nyo dyan, yong nag organized? Sana wag kayo dumalu di naman obligasyon ‘yan ‘di ba. Sa Graduation meron masisi diyan, ang mga Guro at mga faculty member kung magka covid kayo, di isaalang alang ng nga guro ang buhay nyo para sa ganyan.. hayaan nyo sila, at least graduate ka at di ka na covid di ba. Peace”