Viral ngayon sa social media ang madamdaming tagpo ng isang ama na nagpaalam sa kanyang anak at nagpaiwan upang tumulong sa bansa.
Sa video clip, makikitang emosyonal ang mag-ama na hinahalikan at niyayakap pa ng ama ang kanyang anak habang nagpapaalam bago niya ito isakay sa bus na magdadala sa lugar kung saan magiging ligtas ito.
“Ukraine Dad sends daughter to safe zone and says goodbye,” caption sa ini-upload na video ni Keyys Hub sa YouTube.

Mainit ngayon ang tensyòn na nagaganap sa pagitan ng dalawang bansa; ang Ukraine at Russia. Laman ito ng mga balita ngayon sa telebisyon at radyo lalong-lalo na sa social media.
Maraming netizens ang nahabag at nagdarasal para sa mga pamilya na nahihirapan ngayon, pati na rin ang mga Pinoy sa bansa na sana ay nasa mabubuting kalagayan at hindi masasaktan at madamay pa.
“Sending love and Gods protection to the people of Ukraine. We stand with you.”

“Absolutely heart wrenching. this whole situation is so messed up. that man is a real hero, I better see somehwere that he’s alive and well after all this.”
“Heartbreaking. I hope and pray that he gets home to his daughter. This can’t continue. Stop this war…NOW !!!”
Sa ganitong mga sitwasyon tayong mga magulang ay laging iniisip at inuuna ang kapakanan ng ating pamilya lalo na ang ating mga anak na wala pang muwang sa mundo.

Ang kanyang ama ay kinakailangan maiwan upang tumulong depensahan ang kanilang bayan dahil matindi ang alitan ng Ukraine at Russia.
Sa kasalukuyan ay mas tumitindi pa rin ang laban sa pagitan ng dalawang bansa.
Sana magwakas na ang tensyon upang wala nang madamay pa na mga taong naninirahan nang tahimik.
Sana bumalik na sa normal ang lahat at mawala na rin ang mga virus kasabay ng pagbabati ng mga bansang nagkakagulo ngayon.
Panoorin ang madamdaming tagpo: