Maymay Entrata umalma sa uploader ng video na nagpapakalat na 'scammer at peke ang kanyang non-showbiz BF

Nagbanta si Maymay Entrata na gagawa siya ng legal na aksyon laban sa isang video uploader sa YouTube na nagpapakalat ng fake news na scammer at peke ang kanyang rumored non-showbiz boyfriend.

Nag-post sa Twitter si Maymay para tuligsain ang ‘balita’, at sinabihan ang nag-upload na alisin ang video at itigil ang pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa kasintahan.

“Kapag ‘di niyo po buburahin at patuloy niyo pong ‘pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag niyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po,” nakasaad sa kanyang Twitter.

Ti-nag din ng aktres ang nagpost na si @ThecardodingS, sa sumunod na tweet, na ngayon ay nag-deactivate na ng Twitter account.

Natanggal na rin ang naturang video sa YouTube ng uploader na The Cardoding Show. Nakasaad sa thumbnail at pamagat ng video na ang kasintahan ni Maymay ay isang scammer na nakita sa isang dokumentaryo bilang “the Tinder scammer.”

Ang tinutukoy ng nasabing video ay si Simon Leviev o mas kilala bilang Shimon Hayut na mas nakilala sa documentary na Tinder Swindler na ipinalabas sa Netflix.

Ngunit ang katotohanan ay magkaibang tao ang nasa Netflix documentary at ang boyfriend ni Maymay.

Una sa lahat, taga-Israel ang Tinder Swindler samantalang taga-Canada naman ang boyfriend ni Maymay.

Basahin: Maymay Entrata, ipinakilala ang kanyang ‘Valentino’ sa mismong Araw ng mga Puso

Kamakailan ay sinurpresa ng aktres ang kanyang mga tagahanga nang maglabas ito ng larawan kasama ang kanyang ka-Valentino noong Araw ng mga Puso.

Nagviral sa social media ang kanyang post kung saan pinakilig niya ang kanyang mga fans at showbiz friends sa mismong Araw ng mga Puso kaugnay sa pagpapakilala niya sa kaniyang boyfriend.

Aniya, “Happy Birthday my Valentino.”

Post a Comment

Previous Post Next Post