Mga itim na langgam mula sa Poland, tinangkang ipuslit sa Pilipinas

Nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang pakete na naglalaman ng mga itim na langgam mula sa Poland, na sinabi ng mga environment officials  na maaaring magdulot ng pinsala kapag inilabas ang mga ito, ayon sa ulat ni Jun Veneracion ng GMA News sa “24 Oras.”

Hindi bababa sa mahigit 375 ang mga buhay na langgam. Ang bawat isa ay nakapaloob sa isang glass test tube na may nutrient solution. Natagpuan ang mga ito ng mga awtoridad sa dalawang pakete na dumating sa bansa sa magkaibang petsa. Dumating ang mga kontrabando noong Disyembre at Enero.

Pareho ang importer at consignee na nakalista ngunit hindi muna ito pinangalanan.

Ang mga itim na langgam, sabi ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay ginagamit bilang mga alagang hayop.

Ang tanong para saan ang imported na langgam?

Ayon kay Maricar Puno-Sanchez, hepe ng DENR Enforcement division Surveillance and Intelligence Section, ang mga langgam ay inilalagay sa isang aquarium at tinitingnan kung paano ito gumawa ng isang kolonya.

“Ang nakakarating sa amin na balita ay ginagawa na siyang pet may mga enthusiast na rin sa ano, sa black ants ang ginagawa nila niyan ay inilalagay sa aquarium tapos at tinitingnan nila kung ano ang colony na napo-form ng mga black ants na ‘yun.”

Pag natapos na ang paggawa ng legal na proseso ay kailangan na rin umanong i-dispose o i-mercy killing ang mga langgam na kasalukuyang nasa pangangalaga ng DENR.

“Kung mayroon mang existing na mga inaalagaan ngayon, smuggled ang mga iyon,” wika ng Chief.

Binigyang-diin ni Puno-Sanchez ang pinsalang maaaring idulot ng mga species na ito sa kapaligiran.

Ayon sa ulat, sinabi ng DENR na “highly invasive” ang mga black ant kaya magdudulot ito ng perwisyo sa kalikasan kapag nakawala at magdudulot din ng peligro sa kalusugan ng mga tao.

Panoorin ang balita:

Post a Comment

Previous Post Next Post