Mister naging emosyonal dahil sa misis na may boyfriend reveal video sa TikTok, pina-Tulfo ang ginang

Emosyonal ang mister nang makitang may kasintahan ang kanyang misis at may video reveal pa ito sa TikTok.

Kaya naman nagreklamo na ang mister na nakilalang si Brian Aliporo at pumunta ito sa programang RaffyTulfo in Action.

Dinepensahan ng kanyang misis ang bintang ng kanyang mister, at sinabing pinagseselos lamang umano nila ang asawa ngunit hindi na rin nagsalita sa programa.

Gayunpaman, hindi kumbinsido ang mister lalo at aniya ay nakita niya ang mga videos ng mga ito. Nauna na rin umano nitong sinabi sa kanya na boyfriend niya ang lalaking kasama sa kanyang mga TikTok videos.

Nagmensahe naman si Brian upang iparating sa misis, “Pinapasakit ang ginawa mo sa akin, gusto na kitang ipakulong, hindi ka na naawa sa dalawa nating anak.”

“Nag-utang-utang ako para makaalis ka lang para mabayaran natin ‘yung una mong alis,” dagdag pa niya.

Ipinagpangutang pa umano niya ang pagpunta ni misis sa abroad. Isa sa kanyang mga problema ay ang naiwang utang na inasahan niyang mababayaran sana kapag nagtrabaho na sa ibang bansa ang kanyang asawa.

Samantala, marami naman sa mga viewers ang naantig sa dinanas ng mister dahil bukod sa naiwang utang ay may mga anak pa sila na nasa pangangalaga niya.

Umalis daw ang asawa subalit isang buwan lamang ang nakalipas ay bumalik ito ng bansa at umuwi na sa bagong nobyo.

Base naman sa mga videos, isang security guard ang lalaki.

Tinulungan ni idol Raffy ang mag-aama at binayaran ang kanilang mga utang. Sinigurado din ng programa na sasampahan ng kaso ang babae lalo at kasal sila ng kanyang mister.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng mister sa tulong na ibinigay ni Raffy dahil kahit papaano ay hindi na niya iisipin ang mga bayaring utang sa mga bombay.

Ang programang Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post