Neri Naig, binilhan ng condo unit ang anak na si Miggy bilang "first investment"

Nais ni Neri Naig na maturuan nang maaga ang kanilang mga anak na maging financially literate, kaya naman naisip niyang gamitin ang kita ng anak mula sa mga endorsement nito para sa kanyang “first investment.” 

Ibinahagi ng aktres ang larawan ng isang furnished condominium unit sa Instagram account at sinabing ito ay kay Miggy; ang kanyang panganay na anak sa asawang si Chito Miranda.

“Since may mga endorsements na si Miggy, inipon ko ang money niya para makapag-invest at mapagkakitaan pa rin. Para habang bata pa, may negosyo na siya,” wika ng tinaguriang ‘wais na misis’.

“Tuturuan namin ang mga bata na maging financially literate,” patuloy niya, “I think ayun ang dapat matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo eh. Pero it’s not too late sa atin kahit anong edad pa tayo. Ang mahalaga, nagsisimula na tayo.”

Nagbahagi si Neri ng mga detalye tungkol sa property na aniya ay “one-bedroom condo sa SMDC Grass, sa tabi lang ng SM.”

Idinisenyo niya itong muli upang magmukhang isang hotel at malapit na rin itong mapaupahan. Ang lahat ng kita ay mapupunta sa kanyang anak.

Aniya, “Eto ang una niyang investment at negosyo. Diretso talaga sa bank account niya ang kikitain.”

“Daily ang rent… parang nag-stay ka na rin sa hotel pero mas affordable. Walking distance pa ang malls,” dagdag niya, “Update ko kayo soon kung kailan pwede nang marentahan.”

Nakakatuwa, ‘di ba. Parang ang sarap maging mommy at wifey ni Neri. Iniisip talaga niya ang kanyang pamilya.

Basahin: Neri surprises husband Chito with a birthday gift, and it’s a yacht

Kamakailan ay sinurpresa ni Neri Naig ang kanyang asawang si Chito Miranda ng isang diumano’y napaka-‘simpleng’ regalo sa kanyang kaarawan – isang yate.

Inilarawan ni Neri ang regalo niya kay Chito — isang maliit na yate na mayroong maliit na kwarto, mini sala at banyo. Gagamitin nila ito sa pangingisda dahil gusto ng kanilang pamilya ang pangingisda.

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!” pagbabahagi ni Neri.

Dagdag pa niya, “Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!”

Post a Comment

Previous Post Next Post