'2 seconds lang nakatulog na!' Vico nagbahagi ng litrato kasama ang bata na natulog habang karga niya

Isang nakatutuwa at nakaaaliw na tagpo ang ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga follower online, kung saan ikinuwento niya na nakatulog agad ang isang munting paslit habang karga-karga niya.

Sa Instagram, ini-upload ni Mayor Vico ang litrato nila ng bata, isang larawan na kinagiliwan ng marami dahil sa kabila ng pagiging abala ng alkalde ay nagawa pa nitong makihalubilo sa kanyang mga residente at kumarga ng paslit.

“Two seconds lang nakatulog na kaagad si Baby,” saad niya sa caption na nilakipan ng mga Laughing at Sleepy Emoji.

vico bata

Maraming social media user ang nag-iwan ng kumento sa post ng alkalde. May mga natuwa sa gesture ni Vico at mayroon din namang napa-“sana all” sa close encounter ng bata sa mayor na hinahangaan at iniidolo ng mga Pilipino sa loob o labas man ng kanilang lungsod.

“Sarap tulog ni baby!” ani @coneyster143. “Sabi ni baby, ang pogi ng nagbuhat sa akin!”

“I know and believe that you will be a good husband and father someday, Mayor Vico,” saad ni @4ngeline_m4e.

Wika naman ni @bon.javenu3, “They said babies can feel good energy from people! If they feel safe enough to sleep with someone who’s stranger to them, that means that person has good energy! Cute!”

vico bata

Matatandaang hindi ito ang unang beses na kinagiliwan si Vico dahil sa pagiging malapit ng nito sa mga bata. Isa ang litrato niya karga ang isang bata noong 2016 sa mga larawan na pinakapaborito ng social media users sa kanya. Nakakuha ito ng 4,000 comments, mahigit 15,000 shares, at lampas 47,000 reactions na majority ay puso. Nakadagdag pa sa pagiging remarkable ng post ang pagiging kuwela ng mayor.

vico bata

Ikaw, may hindi ka ba makalilimutang moment kasama ang isa sa mga lider na namumuno sa bansa o sa isang partikular na lugar? Ibahagi sa amin ang iyong istorya?

Post a Comment

Previous Post Next Post