Sharon Cuneta, first time humarap sa pangangampanya para kay Sen. Kiko Pangilinan

Ang beteranong aktres na si Sharon Cuneta, asawa ni vice presidential bet Senator Kiko Pangilinan, ay humarap sa campaign trail sa unang pagkakataon noong Martes, Pebrero 22, sa Tarlac.

Ang power couple ay nakasuot ng matching ‘Kiko Pangilinan’ shirts na kulay pink, ang signature color ng kanilang presidential bet at Vice President Leni Robredo.

Makikita na masayang nag-eentertain at kumakaway sa mga tagasuporta si Sharon at sa mga taong nag-welcome sa kanilang mag-asawa sa Tarlac at Pampangga.

Nanghihimok ang aktres sa mga tao na iboto ang senador na si Kiko,  umawit pa ito ng kanyang iconic na kantang ‘Bituing Walang Ningning’.

“Mawalan na po ako ng ningning, OK lang, basta manalo lang sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan,” wika ng Megastar sa ABS-CBN.

Binigyang-diin ni Sharon na sa 21 taon ng kanyang asawa sa panunungkulan sa publiko, walang bahid ng kahit isang isyu ng katiwalian ang kanyang pangalan.

Ani Sharon, “May track record si Kiko, simula nung 2001, ni chismis ng korapsyon, wala po kayo narinig.”

Tiniyak din niya ang karakter ng kanyang asawa, kung saan siya ay kasal sa loob ng 25 taon.

Sinabi ni Sharon na kapag nahalal, tututukan ng senador ang mga isyu sa agrikultura at seguridad sa pagkain.

“Trinabaho niya para kumita kayo, dahil kayo ang nagpapakamatay para magtrabaho,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung hihilingin ni vice presidential bet ang posisyon sa kabinete ng agrikultura, sinabi niyang tatanggapin niya ang anumang posisyong may kaugnayan sa agrikultura na iaalok ni Robredo.

Malakas ang senator sa Tarlac kaya naman sa bawat pagkakataong tumatakbo ito siya ay nananalo.

Ang Tarlac din ang nag-iisang probinsya sa Central Luzon kung saan nanalo ang Liberal Party kina Mar Roxas at Leni Robredo noong 2016 elections, dahil nananatili itong bailiwick ng pamilya Aquino.

Panoorin:

Naghatid din ng mensahe ang megastar sa isang FB video:

Post a Comment

Previous Post Next Post