Star Magic naglabas ng pahayag hinggil sa kalagayan ni Diether Ocampo

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Star Magic tungkol sa kalagayan ni Diether Ocampo matapos masangkot ang aktor sa isang vehicular accident Biyernes nang madaling araw, Enero 4.

Ang Star Magic, na nasa ilalim ng ABS-CBN, ang namamahala sa showbiz career ng Kapamilya hunk simula pa noong 1993.

Ayon sa Star Magic, kasalukuyan nang nagpapagaling si Diether sa isang pagamutan.

“Diether Ocampo is currently recovering in the hospital following a vehicular accident this morning,” ayon sa pahayag ng talent management agency.

Napaulat na sugatan ang aktor matapos bumangga ang kaniyang sports utility vehicle (SUV) sa isang nakaparadang truck ng basura sa Makati City.

Naganap ang nasabing aksidente dakong 12:40 nang madaling araw ng Biyernes sa may bandang Osmena Highway sa Brgy. Pio Del Pilar.

BASAHIN: Diether Ocampo sugatan matapos bumangga ang sasakyan sa isang truck sa Makati

Sa lakas ng pagkakabanga ay nayupi ang unahang bahagi ng sports utility vehicle (SUV) ng 47-anyos na aktor. Nagtamo rin umano ito ng mga galos at sugat sa katawan.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang ambulansiya ng Philippine Red Cross (PRC) at isinugod sa Makati Medical Center.

Dagdag pa ng Star Magic, nagpapasalamat sila sa pag-aalala ng mga tagahanga ni Diet at humhingi ng panalangin para sa kaniyang agarang paggaling.

“We appreciate everyone’s concern and ask for prayers for his speedy recovery,” wika pa nito.

Samantala, hindi pa sinasagot ng aktor ang napaulat na nakainom ito nang maganap ang aksidente. Nagwala pa umano si Diether sa harap ng tauhan ng PRC bago ito nadala sa pagamutan.

Post a Comment

Previous Post Next Post