Hello, mga ka-Swifties, baka gustong mag-enrol sa NYU Taylor Swift course?
Alam mo na ba na naglunsad ang New York University ng bagong kurso — ang Taylor Swift course!
Si Taylor Swift ay isang seryosong subject para sa New York University. Ang institusyon ay naglunsad kamakailan ng kursong eksklusibong nakatuon sa pamosong mang-aawit. True!
Ang mga mag-aaral na nagsa-sign up para sa klase ay maaaring sumali sa musical heritage ng mang-aawit sa pamamagitan ng mga lecture at iba pa.

Tatalakayin sa 3-buwang kurso ang buhay at legacy ng prolific 32-year-old artist, mula sa kanyang country music origin hanggang sa kanyang ebolusyon sa industriya ng musika. Ang kurso ay magkakaroon din ng mga talakayan tungkol sa kabataan at mga prodigies sa pamamagitan ng Swift’s lens, at “politics of race in contemporary popular music.”
Ayon sa isang ulat sa Variety, ang klase ay inilunsad ng Clive Davis Institute of Recorded Music noong Enero 26. Ito ay inumpisahan ni Brittany Spanos, isang manunulat para sa music magazine na Rolling Stone.
Sinabi ni Spanos, na dating pumasok sa NYU at kumuha ng mga kurso sa Clive, na pangarap niyang magturo sa kanyang alma mater.

“I’ve been covering Taylor Swift since I began my writing career a decade ago and have been a super fan of hers for even longer. It’s such an honor to be able to share my Swiftie expertise with a sharp group of students,” aniya.
“I hope to help them rethink how to engage with one of the things world’s biggest and sometimes divisive stars, in the same way Clive professors like Jason King, Vivien Goldman and Joe Levy did for me when I took their courses,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Variety na ang kurso ay may mahabang waitlist at si Swift ay naimbitahan na magsalita sa klase, ngunit ito ay wala pang katiyakan.
Ang beteranong music writer at musician na si Jason King, na namumuno sa institute, ay nagsabi na sa tingin niya ang kurso ay isang “no-brainer” noong una itong iminungkahi ni Spanos sa kanya.
“She’s a Taylor fan but she also understands how to contextualize her culturally, and get students to think more deeply about her and her music through the lens of gender, feminism, race, and class, and other categories related to identity, and that deeper thinking is what this program is all about,” aniya.