Vice Ganda nagpasalamat sa suportang natanggap matapos ihayag ang pagpapakasal kay Ion Perez

Nagbahagi ng mensahe ng pasasalamat ang comedian-host na si Vice Ganda sa social media noong Valentine’s Day sa lahat ng nagpahayag ng kanilang suporta sa pinakabagong milestone sa kanyang personal na buhay. Ito’y kaugnay sa inihayag niyang kasal nila ng kanyang partner of three years na si Ion Perez.

“Thank you very much for the overwhelming love that you have been sending us. Our hearts are full. Happy Valentine’s Day!!!” pasasalamat ng komedyante sa mga sumuporta sa kanila sa IG.

Sa kanyang personal na Instagram account, minarkahan din ni Perez ang Araw ng mga Puso sa pag-upload niya ng mga snaps nila ni Ganda sa Las Vegas, “Happy Valentines!”

Sa episode ng “It’s Showtime” ay binati naman sila ng kanyang mga co-host at showtime family na walang kaalam-alam na ikinasal na pala sila. Hindi kabilang sa programa ang segment na naganap.

Sinabi ni Karylle na marami silang pag-uusapan kapag bumalik na ang dalawa. “Excited ako sa maraming kuwentuhan,” wika ng aktress.

Ang singer at co-host naman na si Teddy Corpuz ay nagsabi na nararamdaman na raw niya noong October na nagpakasal na nga ang dalawa.

“Ako nag-text ako kay Ion eh noong October; sabi ko, congrats sa inyong dalawa tapos sabi ko nagpakasal na ba kayo diyan sa Vegas?” ani Teddy. Bigla din naman umanong tumugon si Ion ng, “Thank you po, Kuya!”

Basahin: Ang Rebelasyon: Vice Ganda, Ion Perez nagpakasal sa Las Vegas

Bago mag-Valentine’s ay ibinunyag ng dalawa na ikinasal sila sa Las Vegas noong Oktubre 19, 2021.

Ang rebelasyon ay inilabas nila sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa kanyang YouTube channel, kung saan ay ipinakita rin niya ang mga snippet ng kanilang paglalakbay sa Las Vegas noong nakaraang taon.

Ikinasal ang dalawa sa Little Vegas Chapel kung saan legal ang pagpapakasal para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Estados Unidos.

Samantala, Oktubre naman ng taong 2019 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ikatlong anibersaryo noong Oktubre 25.

“3 years of not giving a fuck about other people’s thoughts and judgments. 3 years of just being unapologetically in love and happy. I love you Noy! And I love winning in life with you!” nakasaad sa caption ng isang post ng komedyante sa IG.

Panoorin ang pagbati ng mga co-host:

Post a Comment

Previous Post Next Post