Matapos ibahagi ang paglapit sa kanya ng kaibigan, gumawa ng post si Xian Gaza tungkol sa sinapit ni Xander Ford at ibinahagi ang mga aral na matututunan sa mga naging pagkakamali nito.
Sa Facebook, nag-upload si Xian ng litrato nila ni Xander na noon ay kilala pa bilang Marlou Arizala. Pagbabahagi niya, nang kunan ang larawan noong 2016, siya ang financer-manager nito.
“This photo was taken in 2016 at Resorts World Manila, bago pa maging ‘Xander Ford’ si Marlou at bago pa maging ‘Xian Gaza’ si Christian. During that time, si Xian ang financer-manager ni Marlou Arizala,” kuwento niya.

“A year later, nakilala sa buong Pilipinas ang dalawa,” pagpapatuloy niya. “Inaya ni Xian si Erich Gonzales na magkape sa pamamagitan ng isang billboard, tapos si Marlou naman ay sumailalim sa isang facial transformation at doon ipinanganak si Xander Ford.”
Ani Xian, parehas lamang silang sinubok, ngunit ang tanong: bakit sobrang layo ng kasalukuyang estado ni Xander Ford kay Xian Gaza?
“Why? Because Xian is laser-focused with his life goals. Crystal clear sa kanya yong patutunguhan niya. Alam niya kung ano yung landas na kanyang tatahakin. Malinaw ang plano niya sa buhay,” aniya. “Ang pagkakamali ni Xander Ford at ng maraming Pinoy e sige sila hintay sa tamang panahon kung kailan darating yung ‘big break of my life‘ without realizing na hinding-hindi darating ito hangga’t malabo lahat ng bagay sa buhay mo.”

Matatandaang kamakailan lamang ay lumapit si Xander sa kaibigang si Xian para humingi ng tulong. Bagama’t biniro siya nito noong una, bumawi naman ito at sinabi na tutulong siya dahil mahal niya ang kaibigan.

May natutunan ka ba sa sinabi ni Xian? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post nito.