20 years ago: Heart binalikan ang kanyang 17-year-old self sa isang 2002 photo

Dalawang dekada pabalik, katulad din ang internationally famous Filipina star na si Heart Evangelista ng ibang mga artist na nagsisimula pa lamang sa pag-abot ng kanilang pangarap, kaya naman marami ang natuwa at na-inspire nang makakita ng isang lumang larawan ng aktres.

Sa Instagram, ibinahagi ni Heart ang kanyang throwback photo at pinasalamatan ang mga taong sumusuporta sa kanya at dahilan kaya nagagawa niya pa rin hanggang ngayon ang passion niya.

heart

“Some random pick I found from 2002. I was 17, had a moment. So, so lucky I get to do what I love and I just wanna say thank you for loving me back,” saad niya sa caption ng litrato.

Marami ang natuwa, na-inspire, at napabalik sa nakaraan nang makita ang larawang ito ng aktres.

heart

Balancing Act ni Heart

Sa ngayon ay malaki na ang pinagbago ng buhay ni Heart na hinahangaan sa layo ng kanyang narating bilang aktres, artist, influencer, at international endorser. Marami rin ang nagmamahal sa kanyang personalidad kaya naman madalas nagte-trend sa social media.

Kamakailan lamang ay kinaaliwan ng marami ang kanyang tip sa mga misis na gustong mag-shopping pero ayaw masita ng kanilang mister.

“Little shopping. Well it is almost my birthday. It’s also our anniversary, So l’ll be giving his gift in advance,” pagbabahagi ng hardworking actress and influencer na kilala sa paggamit ng luxury items.

“Balancing act,” aniya. “‘Pag gumastos ka for yourself need mo din gift asawa mo para ‘di ka pagalitan!”

heart

Marami ang naka-relate sa ginawang ito ni Heart at mayroon din namang mga nakakuha raw ng idea para sa mga susunod na shopping spree nila.

“Hahaha! Natawa ako sa part na binilhan si Chiz para ‘di pagalitan,” wika ng isa. “Lahat relate diyan.”

“Ganiyan nga ‘pag na-shopping ka dapat bilhan din si hubby para ‘di pagalitan pero itago mo muna iyong half ng shinopping mo bago ka magpakita,” sabi naman ng isa na may karagdagang tip pa.

Post a Comment

Previous Post Next Post