Ariana Grande nag-trending matapos niyang i-repost ang 'Break Free' videos ng mga 'Kakampinks' sa Pasig rally

Nakuha ang atensyon ng American pop superstar na si Ariana Grande ng mga dumalo sa PasigLaban Para sa Tropa Pasig City People’s Rally ni Vice President Leni Robredo noong Linggo, Marso 20.

Si Ariana ay nabilang sa mga trending topics sa Pilipinas matapos niyang mag-repost sa kanyang Instagram account ng dalawang video ng crowd sa Emerald Avenue, Pasig City kung saan narinig ang mga taong nakasuot ng pink na kumakanta ng kanyang 2014 hit song na “Break Free.”

“I could not believe this was real. I love you more than words,” aniya sa kaniyang caption.

Ang pag-awit ng “Break Free” sa political rally ay bahagi ng pagtatanghal ng mga Filipino drag queens, sa pangunguna ni Minty Fresh na nakasuot pa ng Ariana Grande outfit.

Kasunod ng kanyang Instagram stories, mabilis na nanguna si Ariana sa Philippine Twitter trends gamit ang hashtags para sa Pasig rally.

Ibinahagi rin ni Ariana ang isa pang video ng crowd na kung saan ay maririnig din ang kanyang kanta na parang nasa isang concert. Nag-react siya sa video gamit ang tatlong emoji.

Ibinahagi ng mga Twitter user na sina marthawilsona at haarvzxc, ang mga orihinal na nag-upload ng mga video na ini-repost ni Ariana, ang kanilang nakamamanghang naranasan at excitement sa ginawang ito ng American superstar.

Ilang rock band, pop artist, aktor, at celebrity ang nakiisa sa libu-libong ‘Kakampinks’ sa campaign rally ng presidential candidate na si Leni at ng kanyang running mate na si Kiko.

Si Ariana ay isang kritiko ng administrasyong Donald Trump at isang tagasuporta ng kampanya ng Black Lives Matter.

Mayroon siyang dalawang Grammy awards sa ilalim ng kanyang belt: Best Pop Vocal Album para sa “sweetener” at Best Pop Duo/Group Performance para sa “Rain On Me” kasama si Lady Gaga.

Panoorin:

Narito ang isa pa:

Post a Comment

Previous Post Next Post