Bongbong Marcos: 'Martial law is necessary when there is war'

Naniniwala si presidential aspirant at survey frontrunner Bongbong Marcos Jr., na kailangan lamang magdeklara ng martial law sa bansa kapag mayroong digmaan.

Ginawa ng dating senador ang naturang pahayag matapos maungkat muli ang usapin ng martial law o batas militar sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay news forum nitong Miyerkules, Marso 16.

“Martial law is necessary when there is war,” lahad ng pambato ng UniTeam.

“So if we’re not at war and I hope we won’t get into a war, then there’s no need to talk about martial law, to resort to martial law,” paliwanag nito.

Ang usapin ng martial law at diumano’y karahasang dulot nito sa ilan nating kababayan ay palaging naikakabit sa kaniyang namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa kaniyang naunang panayam sa DZRH Presidential Job Interview, iginiit na rin ng nakababatang Marcos na may lugar naman ang martial law depende sa kalagayan ng bansa.

“Martial law para sa giyera. Pag may giyera, kailangan mag-martial law talaga dahil ang gumagalaw talaga at ang sinusundan natin ay ang military dahil sila ang lumalaban para sa atin,” anito.

“It has its place but it is only for war. Precisely that’s why it’s called martial law,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Bongbong na kapag naharap siya sa sitwasyong magkaroon muli ng ‘people power’ kapag siya ay nakaupo na bilang pangulo, ang una umano niyang gagawin ay kausapin ang military at ang mga nagpoprotesta.

Hindi naman tama umano na magsimula ng civil war at kailangang depensahan ang republika sa anumang banta ng mga kaaway.

Bukod dito, pipilitin rin niya umanong kausapin ang magkabilang panig at susubukang ayusin ang gusot upang hindi na magkagulo pa sa bansa.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post