Viral sa social media ang kumakalat na larawan na makikitang magkasamang kumakain sa isang restawran ang dating magkasintahan na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.
In-upload ito ng isang fan page ng dalawang celebrity na Diegsbie_worldwide sa Instagram noong Marso 3.
“Diegsbie Fam I’m happy to share sa inyo yung good news.. Happy tayo na despite sa mga nangyayari last few months. happy tayo makita na ok sila. Answered Prayers,” nakasaad sa caption.

At ang isa pang larawan na may caption na, “Happy seeing you both together again.”
Maraming mga fans ng former couple ang napatanong kung bago ba ‘yung larawan o kung nagkabalikan na ba ang dalawa?
May nagpatunay namang netizen: “See Tama ako di ba. I saw them sa Resto. Ginawa pa Kong sinungaling ng mga iba jan.”
May mga followers din silang kinilig at nag-wish na sana nga ay magkabalikan pa ang dalawa.

“Sana magkabalikan na talaga sila. Kita naman na love nila ang isa’t isa, di lang siguro nagkaintindihan kasi mga bata pa. Parang sila Elisse Juson at Maccoy lang dati tapos ngayun sila nagkatuluyan, may baby na din sila,” wika ng isang commenter.
Hindi malinaw kung bakit magkasama ang ex-couple liban sa caption ng netizen na si Diego ay bagong celebrity endorser ng isang slimming center.

Basahin: Barbie Imperial kinumpirmang hiwalay na sila ni Diego Loyzaga
Matatandaan kinumpirma ng aktres nitong unang linggo ng Pebrero na hiwalay na nga sila ng aktor na si Diego Loyzaga.
Sa isang exclusive interview sa ABS-CBN News, sinabi ni Barbie na naging maayos ang hiwalayan nila ni Diego ngunit hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye.
“Natutunan ko na baka paulit-ulit na nangayayari sa akin ‘to kasi hindi ko talaga minamahal ‘yong sarili ko. Kasi it’s like all the same stories each boyfriend so for me parang what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ‘yong mahalin ko,” sabi ni Barbie sa ABS-CBN News.