Doug at Chesca Kramer ibinahagi ang kanilang love story

Sa panayam sa Toni Talks ng aktres na si Toni Gonzaga na inere noong Pebrero 27, 2022. ay ikinuwento ng mag-asawang Douglas Rimorin ‘Doug’ Kramer at Francesca Marie ‘Chesca’ Velasco Garcia ang kanilang love story.

Paano nagkakilala sina Doug at Chesca?

Nagkakilala sina Doug at Chesca noong 2003 sa Boracay. Akala ni Doug ay 14 anyos lamang ang aktres. Sinabi niya na ayaw daw niya ng mas bata sa kaniya.

Pero nang magkausap na sila ay doon pala nalaman ni Doug na mature pala kausap si Chesca at hindi na ito bata. Nagulat pa siya nang malaman niyang tatlong taon ang tanda ni Chesca sa kaniya.

Aniya, ganoon daw yata ang ‘curse’ ng mga Garcia; mga mukhang batang tingnan.

Love at second sight daw ang nangyari kay Doug para kay Chesca. Para naman kay Chesca ay wala rin daw itong ideya kung sino ba si Doug.

Hindi raw alam ni Doug na artista pala si Chesca nung mga panahon na ‘yon. Pero kilala raw niya ang kapatid nito na si Patrick Garcia na isang sikat na teen star sa ABS-CBN.

Nalaman lamang ni Chesca sa kaniyang mga kaibigan na basketball player pala ng Ateneo si Doug.

Hindi naman makapaniwala si Doug na magiging related siya kay Patrick Garcia na ginagaya lamang niya ang hairstyle noong kabataan niya, at pakakasalan pa niya ang ate nito.

Paano nagsimula ang ligawan?

Kuwento ni Doug, nang magkausap daw sila ni Chesca sa Boracay ay may something daw siyang naramdaman dito. Halos 6 na oras daw silang nagkakuwentuhan. Nang umalis na raw si Doug sa Boracay ay hindi niya makalimutan si Chesca at para ngang may sparks na siyang nararamdaman sa aktres.

“There was just that connection, you know, when you talk to someone parang time either goes really fast or slow. I was so comfortable with her, and I know that she was older than me and I like mature girls,” ani Doug.

Ayon kay Chesca, nagsimula raw sila bilang magkaibigan.

“When I say friends, no holding hands, no kissing. So for how many months, we just really got to know each other. When we would date, I would always have my friends. I never went out on a date with him [alone],” ani Chesca.

Ayaw daw niyang sumama nang mag-isa kay Doug dahil kakakilala pa lamang daw nila noon.

Para kay Doug, si Chesca raw ang kaniyang dream girl.

“I love her personality. She is a family woman. She is beautiful, she is so mabango, she dresses up so well,” sabi pa ni Doug.

Nag-propose at pinakasalan raw ni Doug si Cheska noong siya ay nakapagtapos na ng kolehiyo.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post