Fighter couple sa Ukraine nagpalitan ng wedding vows sa gitna ng kaguluhan

Sa kabila ng patuloy na labanan ng Russia at Ukraine, ang pag-ibig ang mas nanaig. Ang mga miyembro ng Ukrainian Territorial Defense Forces na sina Lesia Ivashchenko at Valerii Filimonov ay ikinasal sa Kyiv, Ukraine noong Marso 6.

Isang chaplain ng militar ang nangasiwa sa kasal na ginanap sa isang checkpoint sa tabi ng isang kalsada.

Ito ay isang pambihirang sandali ng kasiyahan para sa mga army reservists sa isang checkpoint ng Kyiv noong Linggo. Nagpalitan ang dalawa ng singsing sa harap ng mga kapwa nila fighters at military chaplain.

“We decided to get married because we live in challenging times and you never know what’s going to happen to you tomorrow. That’s why it is better do it sooner than later,” ani Valerii.

“We have to live in the moment. Many people talk about it, but only a few live according to this rule. To stay sane we need to live in the moment and keep hopeful,” ani Lesia.

“We must take as much as we can from life,” dagdag pa niya.

Binati sila ni Mayor Vitali Klitschko at sinabing “You know what – I want to make a present to them. But the present for every Ukrainian is to finish the war. Every Ukrainian has just one goal – to stop the war, to stop (killings) of civilian people, women. It is a huge hope for everyone, not just in Ukraine.”

Samantala, kamakailan lamang ay nagpakasal din ang mga mamamayang Ukrainian na sina Yaryna Arieva at Sviatoslav Fursin  matapos ilunsad ng Russia ang pagsalakay nito sa kanilang bansa.

Ginugol nila ang kanilang unang araw bilang mag-asawa sa pagkolekta ng kanilang mga rifles at paghahanda upang ipagtanggol ang Ukraine.

Sa darating na Mayo sana gaganapin ang kanilang kasal ngunit hindi na sigurado ang mag-asawa kung ano ang kanilang kinabukasan.

Ilang netizens din ang bumati sa kanila at ipinagdasal din ang kapayapaan ng kanilang bansa.

“Face love not war, congrats of being couple, you present the world, just face love not a war, God bless you.”

“Congratulations. Praying that your country will be at peace the soonest. May God grant you all a peaceful life and that invasion of Putin will be put to an end. To God be the Glory.”

“Its such a blissful moment. God bless your marriage. Live life. God bless, protect, shield, strengthen the Ukranian army.”

Panoorin ang isang video na ibinahagi ng WCNC via YouTube:

Post a Comment

Previous Post Next Post