Sinurpresa ng aktres na si Kris Aquino ang mga tao sa campaign sortie sa Tarlac ni Vice President Leni Robredo at ng kanyang running mate na si Sen. Kiko Pangilinan noong Miyerkules, Marso 23.
Sabi ng TV host, “I only found out yesterday na sa Tarlac pala ang rally ni VP Leni, so sabi ko I’m going and nobody can stop me.”

Ipinakilala naman ni Kris si Angel Locsin, na pumunta rin sa rally. Umakyat sila sa entablado, “dahil naniniwala po talaga ako kay VP Leni.”
Ipinakilala ni Kris si VP Leni bilang, “our future president.” Dagdag pa niya “The last man standing will be a woman.”
Sa paglabas ng Presidential bet ng Kakampinks sa entablado, sinabi ni Kris sa bise presidente na sumali siya sa rally para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

“VP, I did this for you. I did this for my dad, my mom, for Noy. But most of all, I did this for the future of Kuya Josh and Bimb. Kasi, gusto ko ang Pilipinas, ay nasa mabuting kamay,” ani Kris.
Dati nang dumalo si Angel sa rally ni Leni sa Pasig, kung saan bahagi siya ng crowd. Nasa rally din ang pamangkin ng Darna star na si Neri Colmenares para iendorso si Leni.
Si Jolina Magdangal, na nagtanghal sa Pasig rally, ay nagpakita rin sa Puso Grand People’s Rally -Tarlac event, kung saan siya ang nag-co-host sa isang segment.

Kasama sa iba pang mga celebrity sa event ang mga artist na sina Jamie Rivera at The Company, na parehong nagpaunlak ng mga musical number.
Nagbahagi ang Queen of all media sa kanyang IG, “Surprise! Sa probinsya kung saan nagsimulang manilbihan sa 🇵🇭 ang dad (mayor ng Concepcion, Vice Governor and Governor) at ang kuya ko,- Noy served 3 straight terms (1998-2007) as Congressman ng 2nd district of Tarlac… the district where Alto (our family compound) is located, definitely kuya Josh’s HAPPY PLACE.”

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino
Si Kris, na kamakailan lang ay na-diagnose na may erosive gastritis at gastric ulcer, ay umakyat sa entablado sa kabila ng kanyang mahinang kondisyon. Kasama niya ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.
Nagpasalamat naman ang aktres sa bayan ng Tarlac at sinabing hindi sila nalilimutan ng mga tao roon.
“Maraming salamat Tarlac! Hindi kayo nang iwan, hindi n’yo kami kinalimutan,” pagtatapos ni Kris.
View this post on Instagram