High school buddies kinumbinsi ang 'strict mother' ng kanilang kaibigan sa pamamagitan ng PowerPoint Presentation

Iprinesenta ng mga high school buddies ang powerpoint deck sa mahigpit na ina ng kanilang kaibigan para kumbinsihin ito na payagang sumama sa kanilang galaan ang kaibigan. Hindi kasi ito nakadalo sa kanilang get-together.

Marami din sa atin ang may isang kaibigan na hindi nakakasama sa get-togethers dahil sa strict parents nila. Relate kayo?

Pero gumawa ng paraan ang mga high school buddies na ito para makumbinsi ang mama ng kanilang kaibigan, at iyon ay sa pamamagitan ng PowerPoint presentation.

“We’re doing this because we want your daughter to join us, parang may kulang po kasi if wala ‘yung daughter niyo,” saad ng kaibigan ni Anaya.

“So, for our background information, the venue of our galaan. We have the Molino Lifestyle Center. It is an outdoor space with many restaurants,” dagdag pa niya.

“So lahat po kami dito we are fully vaccinated against COVID-19. And we’ll carefully follow all safety precautions. So we can fully assure that safe po kami lahat and vaccinated po kami,” pagpapatuloy niya.

Sinabi ng uploader na si Amanda Maxine Martinez na nagpasya ang kanilang grupo na gumawa ng pitch deck at iprenesenta ito online sa ina ng kanilang kaibigan na si Anaya.

Sinabi ni Amanda na nabuo lamang ang kanilang grupo noong panahon ng pandemya. Kaya noong nagplano sila ng reunion, gusto nilang lahat ay nandoon.

“Ayaw na magpaalam ni Anaya sa parents niya kasi alam na niyang hindi siya papayagan since may COVID,” ani Amanda, kaibigan ni Anaya.

“Pero halos lahat kami pinayagan so hindi kami pumayag na hindi siya makakasama. Everyone pitched in to make the PPT content. Then noong gabi na, PPT was done then pinresent na namin.”

Noong Disyembre 8,2021, naglakas-loob ang mga kaibigan ni Anaya na ipresent ang PowerPoint sa kaniyang ina na si Analie Estapia.

Para silang nagpre-present ng isang thesis, kumpleto sa introduction, mga sources, at kahit Q&A portion ay mayroon sila.

Kasama sa presentasyon ang lahat ng detalye ng kanilang gala kasama ang kanilang mga detalye ng pagbabakuna upang matiyak na sila ay protektado laban sa COVID-19.

“Most of us were kinakabahan kasi baka magalit ‘yung parents ni Anaya pero kinapalan na namin mukha namin. Some even turned off their cams kasi nahiya kami.”

Hindi akalain ni Analie, ang ina ni Anaya, na aabot sa ganoon ang mga kaibigan ng kaniyang anak para lang kumbinsihin siya.

“Nagulat ako kasi I didn’t expect na ‘yun ang presentation nila. Kasi as per Bianca’s email, subject title is thesis presentation,” ani Analie.

“I was surprised when I saw lots of her classmates in the Google meet. I was amazed when they presented and they are ready.”

“They have all the answers to my possible question na puwede ko itanong sa kanila.”

Nakakabilib nga naman sila!  ^_^

Panoorin ang video na ibinahagi nila sa pamamagitan ng PhilStar Facebook page:

Post a Comment

Previous Post Next Post