Jeric Raval kinumpirma ang relasyon nina AJ at Aljur, 'Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan'

“Kaya lang, that’s life. Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan.”

Ayun, kinumpirma na ng action star na “nagmamahalan” ang kanyang anak na si AJ Raval at si Aljur Abrenica.

Sa panayam ng PEP.ph kay Jeric Raval sa presscon at red-carpet screening ng pelikulang Buy Bust Queen noong March 23, 2022, sa One Mall Sky Theater sa Valenzuela City, naganap ang pagkumpirma.

Naiintindihan naman daw ni Jeric ang sitwasyon ni Aljur. Aniya, “Basta nasa ayos lang ang lahat. Nagkausap na naman kami. Una ko siyang nakausap sa PDEA office.”

“Mayroon kaming presscon nun at the same time pictorial din. Hinatid niya ang anak ko dun, nakipag-usap naman siya sa akin,” aniya.

Tiniyak niya kay Aljur kung hiwalay na ito sa misis na si Kylie Padilla bago ito pumasok sa buhay ni AJ at umoo naman si Aljur dito.

Tinanong naman umano siya ni Jeric kung anong plano nito sa kaniyang anak.

“Sabi niya, nagmamahalan daw sila. ‘E, ‘di magaling,’ sabi ko. ‘Yung tipikal na tinatanong ng isang ama.”

Bilang isang ama, aminado si Jeric na siyempre, mas gusto niya sanang binata o walang sabit ang magustuhan ng anak niyang dalaga.

“Una kong reaksiyon, ama ako, e, siyempre gusto natin lagi sa anak natin ‘yung the best, ‘di ba?”

“You will have a better life kung iba ang manliligaw sa iyo. Hindi ka mapipintasan ng tao, hindi ka maba-bash. Hindi ka tatawaging ‘kabit,” pagbibitaw niya sa kanyang mensahe sa anak.

“Kaya lang, that’s life. Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan,” aniya.

Masakit para sa kanya na naririnig na nababansagang “other woman” o “kabit” ang anak.

“Masakit, siyempre, nasasaktan ako. Siyempre, inaalagaan ko ang anak ko, pinalaki ko nang maayos.Pag naririnig ko ang mga yun, pasok na lang dito, labas na lang dito,” pag-amin ng ama.

“Sabi ko nga sa anak ko, ‘Yung relasyon niyo, anak, sa ayaw at sa gusto mo, damay ako diyan. Laging mababanggit ang pangalan ko. Laging tatanungin, ‘Ano ang reaksiyon mo? Ano ang payo mo?'”

“Sinasabi ko sa kanya lagi, lalo na dun sa lalake, kailangan lahat nasa tama, nasa ayos,” pagtatapos niya.

Basahin: Spotted: Aljur at AJ magkasama sa Araw ng mga Puso, Aljur, Aj magkasama sa hotel dahil imbitado sa Tanauan, Leyte event – Cristy Ferminute

Matatandaan namang naispatan sina Aj at Aljur sa Araw ng mga Puso na magkasama sa isang hotel sa Tanauan, Leyte, at ayon sa Cristy Ferminute, kaya pumunta ang dalawa sa hotel ay dahil sa isang event.

Sa kabila ng mga bashing na natatanggap ng young sexy actress kaugnay sa napapabalitang relasyon kay Aljur, tila wala naman itong issue kay Kylie Padilla mismo.

Ilang beses na itong nag-like ng post ni AJ sa Instagram, kabilang na ang video na ibinahagi ng huli kung saan ay makikita ang silhouette ng isang lalaki na pasan-pasan ang isang babae sa balikat habang naglalakad sa tabing-dagat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Post a Comment

Previous Post Next Post