Isang artist mula sa Baguio City ang nagbahagi ng mga larawan ng kanyang mga obra noong Pebrero 22, na nagtatampok sa mapa ng Pilipinas na puno ng mga bulaklak. Simbolo raw ito ng kanyang pagnanais na makita ang pamumulaklak ng bansa.
“Mamukadkad ka, Pilipinas!” aniya sa kanyang Facebook post.
Kabilang sa mga intricacies ng kamakailang natapos ni Sheila Paren ay ang water droplets, na aniya ay kumakatawan sa saya at kalungkutan, at ang mga nakakalat na bulaklak, na ipinaliwanag niya bilang simbolo ng paglago ng bansa.

“If you’ll notice, para syang basa. The water droplets symbolize our tears of joy and sorrow. It could also be source of life but also a destruction dahil sa mga bagyong napagdaanan po natin.”
Sa isang panayam ng Inquirer, sinabi ni Paren na magdiriwang ang kanyang hometown ng Panagbenga Festival ngayong Marso, at nais niyang makitang mamulaklak din ang buong bansa.

“The scattered flowers around the map means that when our country blooms, the beauty spreads. I hope and pray that our next leader will have a pure heart and intention with a great vision to make a better nation. God bless our country and together, let’s make it bloom!”
Ibinahagi rin niya ang maikling video sa kanyang Facebook account kung saan ay ipinapakita niya kung paano niya ipininta ang mapa ng Pilipinas.
Sa isa pang post ni Sheila, noong Pebrero 28, kalakip ng isang larawan ay ipinaliwanag niya na hindi niya intensyon na paboran ang sinumang pulitikang tumatakbo.

“My painting does not intend to favor any political figure as I started creating it half way done since August 2021, wala pa pong tumatakbo, wala pa pong color differences,” aniya.
“Please don’t attack a painting because of the color and try to understand the meaning of an art first!” dagdag pa niya.
Plano rin ni Paren na magdagdag ng higit pang mga painting sa kanyang Philippine floral series gamit ang pambansang bulaklak ng Pilipinas, ang Sampaguita, bilang pangunahing pinagtutuunan niya ng pansin sa kanyang susunod na piyesa.