Mariel Rodriguez-Padilla natupad ang pangarap na maging online live seller, nag-viral pa ang video

Masayang ibinahagi ni Mariel R. Padilla sa kaniyang Facebook account noong Marso 15 na natupad na ang kaniyang pangarap na maging isang online seller. Aniya, araw-araw siyang nanonood ng online selling.

Marami naman sa kanyang mga kasamahan sa showbiz ang nagpakita ng kanilang pagsuporta kay Mariel; sina Bianca Gonzales, Camille Prats, at Shalani Soledad.

“This is it! Tonight I will fulfill my dream to be an online live seller! I have been watching live sellers almost everyday haha (I swear it’s addicting!!!),” aniya.

“At 9pm tonight on my Instagram and Facebook I will go live and mga Sis puwedeng puwede na kayo mag “MINE” all from my personal collection seeeeee youuuu!!! All bagsak floor price to the maaaax!!!” dagdag pa niya.

Ang ilan sa mga inialok niya online ay mga luxury sandals, bags at iba pa habang panay ang paypay sa sarili ng nae-excite na new online seller.

As of posting ay umabot na sa mahigit 7.6M views ang kaniyang live selling video at ang mga comments ay sumibat na sa mahigit 103K. Hala! Paano niya iyan babasahin lahat?  hahaha

 

Hindi naman naitago ng kaniyang asawa na si Robin Padilla ang pagkagulat nito nang mapanood ang kanyang misis na tinutupad ang kanyang pangarap na maging online live seller.

“Hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa mo ito,” ayon dito.

Nagpasalamat naman si Mariel dahil marami ang nag-mine sa kaniyang mga luxury items. Aniya, “Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days, thank you!!!!”

Sinabi rin niya na magkakaroon ng part 2 ang kaniyang live selling kung sakaling marami pa siyang mga  items na maibebenta. “Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. “

“Hopefully I can find more items here hahaha and we will have a part 2 because I know may maibubuga pa ako  in the meantime I ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Pls bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!!!”

Samantala, may pahabol siyang paalala sa kanyang mga “MINERS”. Mag-ingat umano sa mga nagkukunwaring team niya.

Aniya, “This is for last night’s miners!!!!!!!!!!!!!! Evil is around… do not be a scammer’s victim!!!!”

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post