Sa panayam ng “Magandang Buhay” kay Xyriel Manabat kamakailan, sinabi niyang si Zaijian Jaranilla ang maaari niyang maging kapareha kung mabibigyan ng pagkakataon.
“Parang feeling ko po mabibigyan po namin ng justice if ever magiging ka-love team ko po si Kuya Zaijian,” aniya.
“Kuya ko po ‘yon ha. Wala pong ano. Kuya ko po talaga ‘yon. Para pong mabibigyan namin ng justice ‘yung role,” dagdag na hirit ni Xyriel.

Matatandaan na nagkasama ang dalawa sa maraming proyekto ng ABS-CBN tulad ng “May Bukas Pa,” “Noah” at “Ikaw ay Pag-Ibig.”
Ayon kay Xyriel, magkaibigan sila ni Zaijian na itinuturing niyang kapatid.
Noong Oktubre 2020 sa “Magandang Buhay” ay inamin ng dalawa na miss na nila ang muling magkasama sa trabaho. Magkakasama sana noon sa isang proyekto ang dalawa pero hindi ito natuloy.

“Tinanggihan niya. Nung nalaman ko nga po na siya ang kasama ko roon sabi ko, ‘Sige G (go) na po ‘yan.’ Tapos tinanong ko po siya sabi niya hindi niya kaya dahil nga po delikado ngayon ang sitwasyon,” ani noon ni Zaijian.
“Mahirap pong mag-risk. Tapos sakitin pa po ako eh parang lock-in pa po ‘yon. Mahirap po. Hindi pa po ako nakakalabas ng subdivision,” paliwanag naman ni Xyriel.
Sa ngayon ay kasama si Zaijian sa sikat na serye na “The Broken Marriage Vow.”
Matatandaan namang nakasama ni Xyriel si Andrea sa kaarawan nito sa “ASAP Natin ‘To”

Sinabi ni Xyriel na labis niyang ipinagmamalaki ang mga nagawa ni Andrea at ang kanyang lakas na tiisin ang lahat ng hamon sa buhay.
“Para sa akin po, alam naman na siguro ni Blythe lahat ng mga messages na gusto kong sabihin sa kaniya. Pero above all, gusto ko po siyang i-congrats kasi sobrang lakas po ng taong ‘yan,” aniya.
“Isa po siya sa pinakamatatag na taong kilala ko. Congrats, I’m really proud of you kung gaano kalayo and kung gaano kaganda ‘yung narating mo,” dagdag pa niya.