Ang babae na sinasabing third party sa pagitan ng content creator na si Zeinab Harake at rapper na si Skusta Clee naglabas na ng pahayag upang malinis ang kanyang pangalan. Sinabi nitong mali ang mga tsismis na kumalat.
Sa kanyang mahabang Facebook post, bilang panimula ay sinabi ni Evette Wilson na “For the sake of my peace, my family’s peace and for the peace of all parties involved, it is now time to settle this once and for all and clear my name.”

Ayon kay Evette Wilson, sila ni Daryl ay matagal nang magkaibigan. “Before and after Zeiryl, I have always been around as both of their friend, but more so as Daryl’s friend.”
Nakilala niya umano ang rapper sa iba’t ibang event sa probinsya dahil siya ay isang events organizer.
Kinumpirma rin ni Evette sa kanyang post na hiwalay na sina Zeinab at Skusta ayon sa palitan nila ng mensahe na ibinahagi nito. Gayunman, nagbigay siya ng mensahe sa mga ‘marites’.
Aniya, “Since this issue broke out, I’ve noticed that people were so quick na mag assume and and blame me even without concrete proof. Even being inconsiderate about the fact na yung dalawa ay may mabigat pa na pinagdadaanan ngayon.”
“Nakakalungkot isipin na napakabilis ng iba na makisawsaw sa chismis at mag judge ng kapwa as if kayo, eh napaka perpekto nyo. Lahat ng possibleng blame eh binato nyo saken para lang ma-feed nyo yung mga gawa-gawa nyong illusyon sa ulo nyo na dahilan ng pagka-sira ng relasyon nila.
Personal na buhay po ang pinag uusapan dito. Wala po kayong right na mag demand ng sagot about their life and their personal choices. Ang problema sa inyo, puro kayo sunggab kahit wala na sa lugar. Ang hilig nyong makealam sa buhay ng iba imbes na ayusin nyo yang mga sarili nyo at nang mejo lumawak din sana pagiisip nyo. Lahat ng tao may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay na dapat nyo nirerespeto at bigyan ng malawak na pang-unawa.”
May patutsada naman siya sa naglabas ng larawan nila ni Skusta kahit ipinaalam na umano ni Zebby na kaibigan siya ng rapper.
“To the one and only Leader of the Marites gang who so praises himself for all these disgusting shit that he does, what kind of entity are you? How do you enjoy feasting on other people’s agony? How ignorant are you? How do you live? How do you sleep at night?”
Ibinahagi rin ni Evette ang kanyang mensahe kina Zeinab at Skusta, pati na rin sa kanyang mga bashers, sa panayam ng PhilStar. Ito’y matapos niyang ilahad na ang ibinibintang sa kanya ay “Allegations. Simple as that. They are nothing but allegations.”
Payo niya kina Zeinab at Skusta, “To the couple, better days are coming. Whatever path you both choose to take, let the best interest of your child lead the way.”
At sa kanyang mga kritiko kahit hindi naman siya kilala, “To the bashers, facts are important. Blank accusations and fake news should never be tolerated. Respect the couple’s privacy and give them their time to figure what has to be done best in their relationship. Allow them time to heal their wounds. Haharap din ‘yan pag ready na sila.”
Nang tanungin si Evette kung may chance ba sila ni Skusta na maging magkarelasyon, sinabi niyang “I’ve never seen him in that way. We equally respect each other and our friendship. We work better that way.”

Nag-trending kamakailan sa social media sites ang mga larawan nina Evette at Skusta na nakasuot umano ng ‘couple shirt/sweater, na nagpasimula ng mga haka-haka na siya ang third party sa pagitan ng mag-asawa.
“Pinabili n’ya sweater na ‘yun saken from US. It was a limited edition sweater from Drew (brand ni Justin Bieber) the first few releases had the same faces on it. I just so happened to have the shirt version of it. I wore it to the airport when I met up with them to pick up mga pinabili nya from US. So we thought we’d take matching photos with our red shirt,” paliwanag niya. ‘Yun lang ‘yun!

Samantala, kaarawan pala ni Bia na anak ni Zeinab at Skusta nitong Abril 28. Ibinahagi ng amang rapper ang ilang larawan nila ng anak. “Happy birthday sa nag-iisang pinaka magandang butterfly ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Anak”
View this post on Instagram
