Ginulat ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang kanyang mga tagahanga sa ibinahagi nitong pahayag sa kaniyang Facebook wall matapos siyang mapabilang sa Top 40 candidates para sa Binibining Pilipinas ngayong taon.
“Ohmygad nung tinawag ang #67 na speechless po ako at wala parin akong tigil sa kaka-iyak dito sa backstage. Thank you lord for hearing & answering my Prayers! Mga ka-Hiponatics! Napili po ako as one of the Official Candidate ng Binibining Pilipinas 2022. Huwag n’yo po ako iwan sa aking journey ah,” aniya sa kaniyang Facebook post.

Samantala, nagmistulang nagniningning na bituin ang host-vlogger sa isang sparkly yellow na gown na makikita sa kanyang Facebook page nitong Abril 23.
Ayon kay Herlene, nagbihis siya ng dilaw na gown dahil marami ang umaasa na masungkit niya ang korona ng Miss Grand International (MGI). Ang kulay dilaw ay nauugnay sa mga royalty sa Thailand, kung saan nakabase ang Miss Grand International.

Sabi ng dating Wowowin contestant at host, “Sa dami ng comment na nababasa natin sa iba’t ibang platform ng social media lahat ay gustong-gusto ako ilaban sa MGI. Kaya agad-agad ako pinapa-photoshoot ni Manager Wilbert Tolentino at sabi niya ‘magpa-pull out ng gown at need ni Hipon mag-wear ng gown inspired by the THAI Queen & yellow is associated with Thai royalty’.”
Dagdag pa ni Herlene, ang pinakabagong photoshoot niya ay look test kung aling titulo ang dapat niyang tunguhin sa Binibining Pilipinas.

“Gusto n’ya (Herlene’s manager) agad makita kung mag-bagay sa akin ang look para do’n niya titingnan kung ano nararapat sa training para sa akin at i-goal kong crown sa Binibining Pilipinas 2022.”
Tinanong naman ni Herlene ang kaniyang mga tagahanga, “Ano sa tingin n’yo po etong biglaang shoot ngayon umaga? Pasok ba sa taste n’yo pang MISS GRAND INTERNATIONAL ‘yung awra ko dito?”
“Comment below kung may suggestion kayo, para iwo-workout na ni Manager at paghandaan ang patimpalak ng National Pageant na isinalang n’ya sa akin. Excited ako dahil gusto n’ya ma-execute ko mga pasabog na performance!”