Ni-retweet ng komedyanteng si John Lapus ang post ng DZRH News tungkol sa crowd estimate na ibinigay ng PNP kaugnay sa birthday rally ni VP Leni Robredo sa Pasay City kamakailan.
Ayon sa post ng DZRH News, ang PNP ay nagbigay ng tinatayang 70,000 hanggang 80,000 crowd attendance; isang numero na taliwas sa ibinigay ng local organizers, na nasa 400,000.
Napatawa na lamang si John sa kanyang nakitang post kaugnay sa mga dami ng dumalo noong kaarawan ng Bise Presidente.

Ang eksaktong caption ni John sa kanyang retweet ay isang mahabang, “hahahahahahahhahahahaahhahahahaha.”
Matatandaan na nagbigay ng mensahe ang komedyante kay VP Leni noong kaarawan nito na ibinahagi sa kanyang IG, “Happy Birthday Ma’am @bise_leni, Ipanalo na natin ito! God bless po and take care. #MightAsWell #LabanSweet #TheUniversalSweetSaga”
Si John ay isang certified na kakampink at ineenderso ang tumatakbo sa pagkapresidente na si Leni.

Basahin: Crowd estimate sa Leni-Kiko grand rally sa Pasay City, nasa 80k lang – NCRPO
Pinabulaanan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sinabi ng mga organizers ng grand rally-street party ng tandem nina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan na umabot umano sa mahigit 400,000 ang bilang ng taong dumalo sa naturang event.
Ayon sa NCRPO, naging matiwasay naman ang rally na ginanap sa Macapagal Boulevard sa Pasay City noong Sabado, April 23, at nasa hanggang 80,000 lamang ang kanilang crowd estimate.

“As to its entirety, the Leni- Kiko grand campaign rally was generally peaceful. It was attended to by an estimated crowd of more or less 70,000 to 80,000 supporters and volunteers onboard of MOL (more or less) 300 cars 15 buses, 100 MCs (and 15 PUJs,” anang pahayag ng NCRPO nitong Lunes.
Bukod dito, hindi rin umano nagtagal ang ibang tao sa venue dahil nag-uwian naman kaagad ang iba makaraan ang ilang oras.
“It was also noted that a great number of rallyist did not stay for the whole duration of the event but left after a while,” dagdag pa ng NCRPO.
hahahahahahahhahahahaahhahahahaha https://t.co/5GUPIEv1wq
— John Lapus (@KorekKaJohn) April 24, 2022