Kakasa ka ba sa challenge? Ellen, Derek muling gumawa ng kakaibang pose

Muling nag-upload ang mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ng kanilang pinakabagong pose sa social media.

Sa sunud-sunod na mga larawan at gala na ibinahagi ng mag-asawa kamakailan, muling ipinakita nina Derek at Ellen ang kanilang lakas at husay sa paggawa ng gravity-defying poses.

“We dont have much photos,” nakasaad sa post ng aktres.

Marami ang pumuso at nagkomento sa mga photos na in-upload ni Ellen.

“May bago na naman gagayahin, HINDI PA NGA AKO NAKAKAHANAP NG PARTNER.”

“Sunod na challenge”

Sa IG stories ni Ellen ay ibinahagi niya ang mga larawan ng mga kumasa sa kanilang Ellen-Derek challenge. Marami rin naman ang sumubok.

Kamakailan ay nag-viral ang kanilang buhat posing at ginawan pa ito ng challenge ng kanilang mga tagahanga.

“Quality Time,” ani Ellen na may heart emoji.

May mga ilang natuwa at ginustong gayahin ang kakaibang buhat challenge.

“Kung hindi naten to ma reenact salamat na lang sa lahat.”

“Tutorial vid pls. nang ‘di na mhirapan ang taong bayan kung paano gawin to!”

“Dadey kaya natin to maniwala ka haha”

Marami ang nag-tag sa kani-kanilang mga partner na gawin ang challenge ngunit ang iba ay kailangan muna nila ng partner para magawa ang hamon.

Basahin: Derek Ramsay binati ang asawang si Ellen sa kaarawan nito, ‘Thank you for coming into my life

Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang mga larawan nila ni Ellen na magkasama at sinabi kung gaano siya ka-blessed na maging asawa niya ito.

“Happy happy birthday my love. So much has happened in one year and it seems to have gone by so fast. It’s true that when you are happy and enjoying life things go by so fast. Love I can’t imagine a life without you and Elias,” matamis na bati ni Derek.

Post a Comment

Previous Post Next Post