Kamakailan ay ginulat ni Mariel Padilla ang mga netizens sa social media nang tahasan niyang ibinahagi na kailangan niyang magtrabaho para mabili ang mga bagay na gusto niya.
Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz, ikinuwento ng celebrity mom ang asawang si Robin Padilla.
Ayon kay Mariel, lagi niyang sinasabi sa kaniyang mga anak na sina Isabela at Gabriela na madalas wala si Robin dahil nagtatrabaho upang may makain sila.

Sa kalagitnaan ng interview, sinabi ni Mariel na mabuting ama si Robin sa lahat ng kaniyang mga anak kaya naman wala siyang reklamo.
Nabanggit pa niya kung paano niya kailangang magtrabaho para sa sarili niyang “luho” dahil hindi naman mabibili ni Robin ang mga bagay na iyon para sa kaniya na ikinagulat ng ilang manonood.
“When he’s not home, I always explain to the kids, ‘Daddy is working so we can have food.’ At that age, ine-explain ko sa kanila kasi s’yempre hinahanap nila ‘yung tatay nila, ‘di ba? Pero he is a good father so hindi ako p’wedeng magreklamo,” aniya.

“Kaya ako nagtatrabaho, para ‘yung mga sarili kong luho, mabibili ko. Kasi hindi naman ako bibilhan ni Robin Padilla nung mga luho ko, okay. Which is fine, because ‘yung mga necessity namin, sa kaniya,” dagdag pa niya.
Nag-open up rin si Mariel tungkol sa setup nila ni Robin pagdating sa pag-aasikaso ng kanilang pananalapi bilang mag-asawa.
Hindi naman naiwasang itanong ni Ogie kung paanong hindi siya demanding na asawa, “Buti hindi ka demanding, Mariel.”

Ayon sa celebrity mom, hindi naman daw siya demanding dahil wala naman daw siyang hihilingin sa kaniyang asawa.
“Ang pera ko, pera ko. Tapos ‘yung pera niya, pera rin niya pero nagbibigay siya sa amin, you know what I mean? To this day, kunwari may endorsement siya, never ko ‘yun tinanong sa kanya. ‘Magkano yung endorsement na ‘yun?’ or ‘may balato ba kami diyan sa endorsement na yan?’ Hindi ako nag-gaganun and I think he respects that. He likes that na ganun ‘yung setup namin.”
Panoorin via Ogie Diaz’s YouTube channel:
