Moi Bien Marcampo muling nagbahagi ng mga sweet photos kasama si Piolo Pascual: 'May naiinggit na naman dyan'

Muling nagbahagi ng mga sweet photos si Moi Bien Marcampo kasama ang tinaguriang The Ultimate Heartthrob ng Pinas na si Piolo Pascual. Marami naman sa netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa pagiging malapit ng dalawa.

Sa kaniyang post ay nagbiro si Moi kaugnay sa mga taong naiinggit sa kaniya. Paalala pa niya kay Piolo na malapit na siyang mag 50 anyos.

“Staycation lang daw kame haha uy! may naiinggit na naman dyan.. charot! ilang taon na lang.. lam na pag 50 ka na haha! padaan lang po sa mga pumaparty dyan.”

Nagkomento at nagbiro naman si Piolo; aniya, “Saka sandali lang kame magkasama tol iamjnapoles ambisyosa lang talaga si heytimeymey.”

“Huy wala namang bukingan dyan! haha,” tugon ni Moi.

Nagkomento din ang ilang netizens at sinabi naman ng isa na uunahan na daw nito si Moi kapag nag 46-anyos na ang aktor.

“Pag 46 ka na Papa P @piolo_pascual Akin ka na lang unahan ko na si Ate moi AHHAHA.”

“Habang tumatagal parang nagkakamukha na kayo before we know it kayo na, love love love lang po.”

“I-share mo naman saken ‘yang katabi mo. Wahahahahah..crush na crush ko yan. Mapapasana all na lang tlaga.”

Matatandaang noong kaarawan ni Piolo ay humirit itong kapag umabot ang aktor ng 50 years old nang hindi pa nakakapag-asawa ay baka sila talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa.

“Ito na po ang umpisa ng journey namin sa katagang ‘pag 50 years old ka na at wala ka pang asawa, baka tayo talaga.’ hahaha. Apaka feelingera ko!!!!” sabi ni Moi sa caption ng post.

“Happy birthday, my Mayor. You’re the best and you’re the yummiest, the yummier? I love you beri beri much! Ikaw lang ‘yong habang tumatanda, lalong sumasarap. ‘Pag di ka pa nakapag-asawa tapos 50 years old ka na, naku lagot, baka tayo talaga,” biro niya.

Basahin: ‘Baka tayo talaga’: Dating PA ni Piolo Pascual may nakaaaliw na birthday message sa aktor.

Post a Comment

Previous Post Next Post