'Paghaharap' nina Herlene, Miss Manila muling naungkat ng netizens; 'Hindi ka qualified, Hipon'

Matapos magtrending si Herlene Budol nang matagumpay na makapasok sa BB. Pilipinas ay muling naungkat ng mga netizens ang paghaharap nila ni Miss Manila, Disyembre taong 2020 saWowowin.

Nang inanunsyo na napabilang sa Top 40 ng prestigious beauty pageant si Hipon sa kabila ng pagiging komedyante nito ay nakita ng mga tagahanga na magaling at kakaibang Herlene ang rumampa sa pageant.

Dahil dito, muling nanariwa sa kanyang mga fans ang naging sagutan nina Herlene at Miss Manila na si Alexandria Abdon.

Matatandaan na nag-viral noon ang mga negatibo at panlalait na sinabi ni Alexandria kay Herlene sa National TV.

Sa programa ng Wowowin sa harap ni Willie Revillame ay tinawag pa nitong Squammy si Hipon. Bukod pa roon ay sinabihan pa ito na hindi umano siya qualified na sumali sa BB. Pilipinas kung sakaling magkaroon ng ideya na sumabak sa pageant ang aktres.

“Miss Manila: Kahit magpa-pageant ang nanay ni hipon sa bahay nila, hindi siya qualified. Hindi ka qualified, Hipon.”

Bagama’t makikitang parehong game na game sina Hipon at Miss Manila para ipagtanggol ang kani-kaniyang paninindigan sa harap ni Kuya Wil, hindi naman ikinatuwa ng mga netizens ang mga sinabi ni Miss Manila.’

“Kuya Wil: Ibig sabihin pati nanay niya hindi siya tatanggapin?

“Miss Manila: Actually hindi naman ‘yung nanay niya, yung standards lang, yung qualifications…medyo tagilid tayo do’n.”

“Herlene: Ito feeling maganda…”

“Miss Manila: Actually hindi ako feeling maganda, confident lang ako, Hipon.”

Ayon kay Alexandria, joke lamang iyon at sa huli ay nag-shake hands sila.

“Hindi po kami magka-away”, ngunit para sa marami ay sobrang nakaka-offend ang mga lumabas sa bibig niya.

Bata pa si Herlene ay sumasali na siya sa mga pageant at ngayon ay natupad nang makapasok sa BB. Pilipinas.

Ang video na umabot na ng halos 8.5 million views:

Basahin: Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022

Ginulat ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang kanyang mga tagahanga sa ibinahagi nitong pahayag sa kaniyang Facebook wall matapos siyang mapabilang sa Top 40 candidates para sa Binibining Pilipinas ngayong taon.

“Ohmygad nung tinawag ang #67 na speechless po ako at wala parin akong tigil sa kaka-iyak dito sa backstage. Thank you lord for hearing & answering my Prayers! Mga ka-Hiponatics! Napili po ako as one of the Official Candidate ng Binibining Pilipinas 2022. Huwag n’yo po ako iwan sa aking journey ah,” aniya sa kaniyang Facebook post.

Post a Comment

Previous Post Next Post