Pinay mas piniling maging truck driver kaysa nurse sa U.S. dahil mas malaki ang sahod

Kakayanin mo kayang magmaneho ng 18-wheeler truck?

Well, ang Filipina truck driver na si Jonalyn Johns ay nagmamaneho ng 18-wheeler truck na naghahatid ng mga kargamento sa iba’t ibang lugar sa U.S.

Aniya, “Ngayon parang ano lang siya, madali na lang… kahit pikit nga minsan.”

‘Astig’ ang kababayan nating si Jonalyn na nasa America ngayon dahil kayang-kaya niyang mag-drive ng ganoong delivery truck.

All-around nga raw si Jonalyn dahil bukod sa pagda-drive, tumutulong din siya sa paglalagay ng kadena at pag-i-strap para ma-secure ang kanilang mga mabibigat na dala at pagkakabit ng double trailers sa truck.

Sa panayam sa kanya ni Kara David sa programang Brigada noong Marso 2022, ibinahagi niya na ang pagiging isang nurse talaga ang plano niyang maging propesyon sa Amerika, ngunit tila iba ang itinadhana para sa kanya.

“’Yun po talaga ‘yung gusto ko kasi ang ganda ng uniform ng nurse, puti. Ija-jump ko muna ‘yung nursing before ‘yung truck driving,” aniya.

Ayon kay Jonalyn, pinili niya ang ganitong propesyon imbis na maging isang nurse, dahil mas malaki ang sahod. Dagdag pa niya, kasama din niya ang kaniyang mister sa sa pagde-deliver.

“Pero nakita ko ‘yung sahod mas malaki pala ‘yung sa akin sabi ko, ‘Okay, trucking.’ Para kaming mag-asawa magkasama din.”

Inamin ni Jonalyn na noong nagsisimula pa lang siya sa pagiging truck driver ay hindi niya maiwasan na mapaiyak dahil sa hirap, kaya mahirap din umano ang trabaho ng isang truck driver.

Ngunit nang unti-unti raw ay nasasanay na rin siya sa trabaho ay tila madali na lang sa kanya ang trabaho niya sa kabila ng hindi nga ito madali.

“’Yung una mahirap siya kasi malaking truck, lalo na ‘yung magba-backing. Nung nasanay na ako lalo na ngayon, kasi halos mag-four years na akong magta-truck driving, so ngayon parang ano lang siya, madali na lang, kahit pikit nga minsan.”

Masaya naman siyang ibinahagi ito dahil sa pagiging truck driver niya ay nakapagpundar na siya at ang kanyang asawa ng bahay.

Panoorin ang video sa 5:18

Post a Comment

Previous Post Next Post