Sen. Kiko, naging emosyonal nang surpresahin ng mga farmers ng Pampanga

Matapos ang pagbibigay mensahe ni Sen. Kiko Pangilinan sa naganap na campaign rally sa Pampanga noong Abril 9, na tumatakbo bilang bise presidente, biglang sinabi ng kanyang misis na si Megastar Sharon Cuneta na mayroong mga bisita si Sen. Kiko.

Ang magsasakang ito ay nagtungo ng San Fernando upang magbigay suporta sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem.

Nais ng mga magsasaka na sila na ang magtaas ng kamay ng senador bilang pagsuporta nila sa kaniyang kandidatura.

“Kiko, merong mga nagmamahal sa’yo na gustong lumapit sa’yo. at sila daw ang may gustong magtaas ng iyong mga kamay. Ito po mga Cabalen, ang ilan sa mga nakilala at minamahal ni Kiko, ang farmers from San Nicolas, Pampanga. Tuloy po kayo.”

Matapos ang pagpapakilala ni Sharon sa mga magsasaka ay mapapansing hindi na halos maawat ang kanyang pagluha.

Gayundin ang kanyang mister na si Sen. Kiko kung saan naging emosyonal din ito nang makita niya sa entablado ang mga magsasaka ng San Nicolas, Pampanga.

Lalo na nang mayakap at mapasalamatan nito ang isa sa mga may edad nang magsasakang nabanggit niya sa kanyang mensahe bago ang madamdaming tagpong ito.

Ang isa sa mga magsasaka ay si Tatang Beng na nabanggit ni Sen. Kiko sa kaniyang mensahe na sa kabila ng edad ay pinili pa rin ang magsaka.

“Ito po si Tatang Meg… Siya po yung ipinaglalaban namin ni VP Leni para mai-angat ang buhay niya, nilang magsasaka at mangingisda,” naluluha pa ring sabi ng senador.

Mapapansin naman ang kaniyang misis na nadala na nang tuluyan sa madamdaming tagpo nina Sen. Kiko at ng mga magsasakang natulungan niya.

Samantala, nagpahayag naman si Sharon sa kaniyang Instagram ng taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga volunteers na tumulong at naging bahagi upang maging matagumpay ang bawat Leni-Kiko event.

Panoorin.

Post a Comment

Previous Post Next Post