Kamakailan ay nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang dedication video para sa kanyang mahal na kaibigan na si Karla Estrada.
Nagpahayag ng suporta ang celebrity mom kay Karla sa pagtakbo nito bilang ikatlong nominee sa isang party list.
Ipinaliwanag niya ang ilan sa mga kahanga-hangang katangian ni Karla at ang kanyang mga dahilan kung bakit gusto niya itong suportahan.

Bukod dito, hinimok niya ang lahat na ipakita ang kanilang suporta at tiwala sa singer-actress.
“I believe in Momshie Karla Estrada to give her best and her whole heart in everything she does. I’ve known her for more than 30 years – you can trust her,” saad sa caption ni Ruffa.
“Now that she is embarking on a new journey as a Tingog Party List nominee, let’s support Karla in her new endeavour. Mahal kita mare!! Through thick and thin,” dagdag pa niya.
Pinusuan ng kanyang mga followers ang pagsuporta ng aktres kay Karla at bumuhos ang komento.

“Sana ganito lang—— kahit magkakaiba ang bet sa election eh friends pa din… No no to toxic and negative campaign! #restpect”
“Hi ruffa i am an ofw here in dubai and done voting. I voted Tingog for Partylist”
“Now that’s a REAL FRIEND!”
Basahin: ‘No. 1 sa puso ko!’ Ruffa kinumpirma na ang estado ng relasyon nila ni Bistek?

Matatandaang nagpakita ng suporta at nagbahagi ang aktres ng ilang video at larawan na kuha sa pangangampanya ni Bistek na tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam ni Bongbong Marcos Jr.
Ang nagpakilig sa mga netizens at mga kasamahan sa showbiz industry ni Ruffa ay ang caption ng nasabing Instagram post.
“#8 sa balota, #1 sa puso ko! (may kasamang purple heart, I love you sign, at green heart emojis),” ayon sa caption ng dating beauty queen.
Noong nakaraang buwan ay muling umusbong ang tsismis tungkol sa kanila ni Herbert matapos mag-tweet ang aktres ng isang campaign poster ng dating QC mayor.
“ILY stands for Internet, Livelihood and Youth. I’m supporting @Bistek858‘s candidacy,” paglilinaw pa ni Ruffa sa kaniyang sumunod na tweet.