Kilala ang India sa mga magarang kasalan, ngunit ang isang selebrasyon na naganap nitong Hunyo 11, 2022 ay naging mainit na topic sa social media.
Naging headline si Kshama Bindu nang ipahayag niya na pakakasalan niya ang sarili, sa pinaniniwalaang unang pagkakataon ng sologamy ng India.
Si Kshama, isang blogger mula sa lungsod ng Vadodara sa Gujarat, ay nagpakasal sa kanyang sarili noong Miyerkules sa isang seremonya ng Hindu.

“I just want to be a bride like most women, get ready, wear the best wedding outfit and be photographed. I want to give all the love in my heart to myself. I might fall in love with myself even more,” aniya sa ‘The National’
Tumanggi naman ang pari na naka-book para sa kasal na magsasagawa sana ng mga ritwal at ang templo rin kung saan ang seremonya ay nakatakda sanang maganap ay kinansela naman matapos makatanggap ng oposisyon.
“I’m against the choice of venue, she’ll not be allowed to marry herself in any temple. Such marriages are against Hinduism. This will reduce the population of Hindus. If anything goes against religion then no law will prevail,” ani Sunita Shukla; isang lokal na pinuno ng right-wing Bharatiya Janata Party ang nagsabi umano sa Indian news agency.

Kaya naman nagpasya si Kshama na isagawa ang kasal sa kanyang tahanan.
Habang nakasuot ng tradisyonal na bridal red sari ay isinagawa niya ang pitong pheras — ang sagradong paglalakad sa paligid ng banal na apoy — habang nakatingin ang kanyang mga nakangiting kaibigan.
“My life is not going to change after this marriage, and that is why I’ve always wanted to become a bride and not a wife,” ani Kshama sa isang video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

“And I’m going to live my dream today,” dagdag pa niya.
May mga supportive comments namang ibinigay ang ilang netizens.
“CONGRATULATIONS!!! (emojis) Ignore the hate comments, they don’t understand, so they’ll keep saying stupid stuff.”
“It’s so beautiful to see how people are accepting each other choices and decisions. Well! Big thumbs up to you.👏and it’s make me feel proud that we both lives in same city.”
“True… No captions needed… Bravo… Lots of love and blessings (heat emoji)
Ang Sologamy ay isang seremonya ng kasal kung saan ang mga tao ay pinakakasalan ang kanilang sarili.
View this post on Instagram