Gerald Anderson sa pagpapatawad sa taong cheater: 'Kaya naman, but hindi siya madali'

“Kailangan mong patunayan uli ’yung sarili mo.”

Iyan ang sagot ng aktor na si Gerald Anderson nang tanungin siya sa media conference ng “A Family Affair” kamakailan kung dapat pa bang bigyan ng second chance ang taong nanloko ng karelasyon.

Ayon kay Gerald, mahirap magpatawad sa taong nanloko dahil nasira na ang tiwala at mahirap na itong ibalik.

Gayunpaman, ang isang cheating partner na gustong makipagbalikan sa partner na kanyang nasaktan ay dapat gawin ang lahat para maibalik nito ang tiwala.

Dagdag pa ng aktor, posibleng patawarin ang manloloko ngunit napakahirap gawin ito.

“Mahirap ‘yun. That’s hard kasi nasira na ’yung trust eh, kumbaga may lamat na ’yun eh,” ani Gerald.

“You just have to earn the trust again, start from zero, hindi lang zero, negative pa ’yan, ‘di ba? Kailangan mong patunayan uli ’yung sarili mo. Kaya naman, but hindi siya madali,” dagdag pa niya.

Ang pahayag na ito ni Gerald ay tamang tama sa top trending topic ngayon sa social media kaugnay sa hiwalayan ng celebrity cople na sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

[Basahin: Jason Hernandez, Moira dela Torre split after 3 years of marriage]

Sa official statement ay inamin ni Jason sa Facebook post na naging unfaithful siya kay Moira kasunod ang paghingi nito ng tawad sa kanya at sa lahat ng taong nasaktan niya.

Aniya, “this is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.”

“My love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better. From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

Samantala, nagbahagi si Moira sa Instagram story ng ilang screenshot ng lyrics ng kantang highs and lows – Hillsong young and free.

Post a Comment

Previous Post Next Post