Ang partner ni Vice Ganda na si Ion Perez ay ipinagmamalaking nakabili ng sariling sasakyan mula sa katas ng kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho at pag-iipon.
Sa kanyang pinakabagong vlog ay ibinahagi niya sa kanyang YouTube Channel ang segunda manong sasakyan.
Tampok ang marangyang BMW na kotse ni Ion, na binili niya mula umano sa kanyang personal na ipon.

Ayon kay Ion, gusto niyang bumili ng brand new car pero mas pinili na lamang niya ang segunda-manong sasakyan dahil sa limitasyon ng kanyang budget.
“May naipon ako na konti para sa gusto kong kotse though second-hand lang siya. Gusto ko sana mag-brand new kaso hindi pa kaya ng budget,” sabi ng showtime host.
Gayunpaman, ang kanyang kotse ay sumailalim sa isang magarbong makeover gawa ng MotoMoto Car Innovation.
Pinangalanan na rin niya ang kanyang sasakyan na si “OZ”.

Sa YouTube ay #26 trending na ang video ni Ion at maraming bumati mula sa kanyang mga followers;
“Congrats Ion! Well-deserved, mabait ka kasing tao, more blessings to come.”
“Gusto ko ‘yung ugali ni kuya Ion.,mabait na kaibigan.,mapagmahal na anak.,at nakakatulong sa kapwa.,I love you kuya Ion.”
“Super nice Ion. Deserve mo po ‘yan.”

“Ang ganda parang brand new tingnan, nakakatuwa si Ion”
“Ganda ng kulay, mas naging classy ang itsura at mas gumanda nung nai-wrap”
“OMG!!! Ang loofet ng BMW mo Ion!!! Solod galing ng Moto Moto”
Basahin: Ion Perez pinagawan ng pangarap na kusina ang kaniyang nanay; ipinag-shopping pa ng mga gamit
Pinagawan ni Ion ng pangarap na kusina ang kaniyang nanay na ayon sa kaniya ay mahilig magluto.
Sa kaniyang vlog, ipinakita ni Ion sa mga viewers ang kaniyang ipinagagawang kusina na medyo may kalakihan at may kaluwangan din na tiyak na magugustuhan ng kaniyang ina.
Bukod sa pagpapagawa ng kusina, ipinamili na rin ng aktor ng mga gamit ang kaniyang nanay.