Kim Chiu epic fail sa pag-headstand, buti na lang may suot na headband

Ang aktres at TV host na si Kim Chiu ay nagpakitang gilas sa stage nang tinangka niyang mag-headstand sa “It’s Showtime” ngunit naging epic fail ito.

Mabuti na lamang at hindi nasaktan ang aktres sa pagkawala ng kanyang balanse ngunit nasubsob naman ang mukha sa sahig.

Nagsampol muna ang Sample King Jhong Hilario at ipinakita ang paghataw hanggang sa binuyo niya si Kim na humataw rin, na kilala naman daw ang aktres bilang “Queen of the Dancefloor” ng Kapamilya Network.

Mabilis na pinuntahan upang alalayan ng mga co-host na sina Amy Perez, Ryan Bang, Karylle, Jugs Jugueta, Ogie Alcasid, matapos niyang tanggapin ang hamon sa kaniya ni Jhong na muling nagbalik sa noontime show.

Mabuti na lamang daw at may suot na headband si Kim kaya hindi masyadong masakit ang nangyari. Tinawanan na lamang ni Kim ang nangyari sa kaniya.

Ayon pa kay Jhong na biniro si Kim na mahirap daw talagang humalik sa sahig.

Samantala, nag-post naman ni Kimmy sa Twitter ng ilang mga kuhang screenshot ng kaniyang failed headstand.

“Eto dapat gawin ko, di lang umabot! hahahahaha,” saad ni Kim sa isang tweet.

Marami naman ang pumuri kay Kim dahil gagawin daw talaga nito ang lahat para lamang magpasaya ng madlang pipol.

May mga iba ding netizens na sinabing mag-ingat ang aktres sa mga ginagawa nito, “Ingat lang po kung gagawin mo po ‘yan ha.”

“Love Kim kaya lang ako nanonood ng SHOW TIME para makita si Kim.”

“IBA PA DIN ANG KIM CHIU PANG PRINSESA CHINITA PA DIN BUHAT NOON HANGGANG NGAYON Si kim ANG NAGBIBIGAY NG SAYA MABAIT SYA AT MABUTI ANG PUSO NYA LOVE YOU KIMMY AND GOD BLESS ALWAYS.”

“Why is she called the queen of the dance floor?” tanong naman ng iba.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post