Viral ngayon sa TikTok world ang video ng isang nursing student ng Lorma Colleges La Union na hindi umano pinayagang umakyat sa stage sa mismong graduation ceremony.
Masaya sana ang araw ng nursing grad na si John Marcelino Rosaldo at ng kanyang pamilya ngunit laking dismaya nila na hindi ito nakaakyat sa entablado dahil umano sa isyu ng graduation fee confirmation.
Sa TikTok idinaan ng kapatid ni John na si Celene Rosaldo ang malungkot na kaganapan, Sa video ay makikitang walang hawak na diploma ang kanyang kuya. May caption itong, “‘di naman masaket” noong Hunyo 23, na araw ng kanilang graduation. Tatlong video ang ibinahagi nito sa sharing app.

Nakapanayam naman ng Balita Online si Celene kung saan ay nasabi nitong, “Ang pinaka-masakit po dun ay yung itsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma.”
Nagbigay rin ito ng isang screenshot ng patunay na nagbayad umano sila bago pa man ang araw ng graduation.

Sa mga larawang ibinahagi ni Celene, makikitang may hawak na diploma si John Marcelino na hiniram lamang nito para sa photo ops.
Noong Hunyo 24 ay pinakinggan ni BM Joy Ortega ang side ni John; kung bakit hindi nakuha ang diploma nito.
Ayon kay Nanay Kathreen, “Sobra sobrang kahihiyan ang inabot namin. Hindi kami nakatulog sa napakasakit na karanasan na ito. Pinagkait sa amin ang oportunidad na makaakyat at makamartsa sa graduation ang panganay ko.”
Sabi sa FB page ni Ortega, “Ang inyong lingkod ay tutulong sa nursing board examination review ni John, at magsusulong tayo ng ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan para hindi na maulit ang insidenteng ito.”

Agad naman nilang tinawagan ang paaralan ng estudyante ngunit hindi ito nasagot. Nag-message lamang ito makaraan ng, “Hi BM Maam Joy, Apology I missed the call, I wasn’t able to answer were on a school event kanina. For Rosaldos Case concern, this is still under investigation since the school still contacting the student for further discussion. Thank you Maam. Respectfully.”
Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang Lorma Colleges kaugnay sa pangyayari. Sisiguraduhin umano nilang hindi na mauulit ang nangyaring insidente.

Samantala, bumuhos ang suporta mula sa mga netizen para kay John at may mga nananawagan ng karagdagang aksyon laban sa kawalan ng katarungan ng paaralan. Ang videos ay umabot na sa mahigit 9.1 million at 6.1 million views.
Sa kabilang banda, may ilang school alumni ang nanawagan na huwag basta-basta magkaroon ng konklusyon at dapat alamin muna ang buong pangyayari.
@cyrosaldo Bawi nalang next life🙃. #fyp #graduation #grad #nursing #sad #depressed #patiwakal #charot ♬ FRAN VASILIĆ ON SPOTIFY – Fran Vasilić