Sa latest post ni Ogie Diaz ay ipinaliwanag nito sa mga netizens ang nauna nitong ibinahagi sa Facebook kaugnay sa kwento na may larawan ng Lamborghini.
Inakala kasi ng marami na bumili siya ng sariling Lamborghini ngunit kung babasahin ang kanyang buong post noong Hunyo 13 ay patungkol ito sa bago niyang biniling iPhone charger.
“Wala po akong Lamborghini. Sineryoso ng iba. ‘Di nila binasa hanggang ending ‘yung post ko, huhuhu! Iphone CHARGER po ang binili ko,” aniya. 🙂
Katuwaan Post
Nitong Hunyo 13 ay nag-share si Ogie sa kanyang Facebook wall ng isang larawan niya na katabi ang isang Lamborghini.
“35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, ‘di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon.

Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na ‘yung luma ko. Naghihingalo na, ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago. Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver.”
Sa kanyang huling sinabi ay mapapansin agad ang kanyang bagong binili na charger.
“Ang tagal ko pang nag-decide. Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong biling charger.”
Maraming netizens ang nabiktima ni Ogie sa kanyang post na ito dahil hindi umano binasa ang buong post niya kaya naman inakala ng marami na bumili siya ng sarili niyang sasakyan ngunit charger naman pala ang kanyang tinutukoy. It’s a joke!

Nitong Hunyo 14 ay ipinaliwanag niya sa mga netizens na tumabi lamang ito sa magarang sasakyan habang hawak sa kaliwang kamay ang binili niyang Iphone charger.
“Nasa parking lot po ako niyan. Sa Las Vegas. Nag-choose lang po ako ng sasakyang didikitan. Tumabi po ako sa magarang sasakyan na kulay green. Tapos kung isu-zoom in nyo ang pic sa kamay ko, hawak ko po yung charger.”
Inamin din ni Ogie na hindi siya mahilig sa high end na sasakyan.
“Kahit magkamal po ako ng salapi, hindi po ako mahilig sa high end na sasakyan. Toyota o Honda lang po ang pinamimilian kong sasakyan. Masaya na ako no’n.”

“Hahaha! Ang masasabi ko lang, potah kayo! Hindi nyo iniintindi ang sinulat ko. Yung kabobohan nyo sa panghuhusga ng kapwa ang pinairal nyo.”
“At ang nakakalokah — andaming online news ang pumik-ap ng post ko at seryoso nilang ibinalita na may Lamborghini na ako. Hahaha! Hindi ko kinaya. Pasensiya na kung pang-matalino yung post ko, ha? Kaya palakpak para sa mga tumawa o napangiti ng post ko na yon, kasi matatalino sila. At least, kahit bina-bash ako ng iba, natuwa na din ako kasi — aminin— wala akong nabasang, “Huwag kang mag-ilusyon. Wala kang pera para ibili ng Lamborghini. At least, andun yung feeling na “afford” palang bumili ng Lamborghini ni Ogie Diaz, huh! Habang hindi ko magawang mabuwisit sa mga bashers, dahil mas nanaig sa akin ang awa sa kanila.”
