Ibinahagi ni Sarah Lahbati-Gutierrez sa kanyang Instagram wall ang madamdaming Father’s Day greeting para sa kanyang asawa na si Richard Gutierrez.
Sinabi ng aktres na ito ang kanyang ‘man of my heart’, ang ama ng kanyang mga anak, ang kanyang asawa at matalik na kaibigan.
“As I think about what you mean to Zion, Kai and I, I give thanks to God. You’re the best gift, he’s ever given me. To the man of my heart, the father of our children & the love of my life, you are everything I hoped to help in raising a family. You’re my husband, my best friend and the love that I will always need,” aniya sa mister na 38 anyos na.

Dagdag pa niya, pinasasalamatan niya si Richard sa pagiging puno nito sa pagmamahal, sa pagiging hindi makasarili, at sa pagiging lakas nila.
Ayon kay Sarah, laging iniisip ni Richard ang kanilang mga anak bago ang sarili niya.
“Thank you for being so full of love, for being so selfless & for being our strength. You have always thought of our kids before anything else and that’s what makes you an incredible father to Zion & Kai,” aniya.

“I love you, mahal for being who you are and for all that you do for us. Here’s to making more memories with all of us as a fam! Happy father’s day to the best husband and dada. Je t’aime, @richardgutz,” dagdag pa ng 28-anyos na aktres.
Taong 2012 nang magsimula ang kanilang relasyon. Nagkasama sila sa teleseryeng ‘Makapiling Kang Muli’ ng GMA Network at naging sila na nang matapos ang proyekto.
View this post on Instagram
Matatandaan naman na minarkahan ng mag-asawa, na ikinasal noong Marso 2020, ang ika-9 na kaarawan ng kanilang anak na si Zion noong Abril 29.
Ang celebrity couple ay naghanda ng isang “Roblox”-themed birthday party para sa kanilang panganay.

Ibinahagi ng aktres sa social media ang mga larawang nagbibigay ng mga sulyap sa cool na party.
“After two years of the kids being cooped up at home & missing everyone we are so grateful to have been able to celebrate Zion’s birthday this year with family & friends organized by the best team!” aniya.